Kapansin pansin ang pangongopya o pamumulot ng panunuligsa ng mga catholic defenders sa mga "ang dating daan" o MCGI kahit pa tinatamaan nito maging ang kanilang pananampalataya. Tingnan natin ang post ng CFD sa larawan sa ibaba:
Ang tanong niya, "saang sitas mo nabasa sa bibliya na naghapunan ang mga apostol kasama si Cristo na ginawa nila ito sa UMAGA?". Dito malalaman nating hindi nya alam na yung "banal na hapunan" nila ay ginagawa din nila kahit umaga, isa pong kaipokritohan na pag-atake. Alam naman natin na yung "hapunan" nila ay ginagawa nila sa kanilang mga "misa" na ayon sa kanilang iniidolong pari na si abe arganiosa ay "eucharist" ang tunay na pangalan.
Na kung saan sa "eucharist" ay doon nakapaloob ang kanilang "banal na hapunan".
Ito pa nga daw ang kanilang ginagawa sa "banal na HAPUNAN" na nakapaloob sa "misa" o "eucharist".
Tingnan naman natin kung anong oras ang mga schedule ng kanilang mga "misa" na kung saan doon nakapaloob ang "banal na HAPUNAN"
SOURCE: http://www.mass-schedules.com/philippine-locations.html
Mangongopya na sila kahit pa salungat din sa kanila makapanira lamang sa Iglesia ni Cristo ang mga Catholic defenders. Wala na siguro silang maisip na pang atake. Kayo na po ang humusga.