ELISEO SORIANO, BAKIT "PUNO SA PUNO" KAPAG IGLESIA NI CRISTO ANG DEBATE?

Sa mga nakalipas na araw, nabalitaan nating nakipagdebate si Eliseo Soriano kay Carlos Montemayor na isang MINISTRO ng programang PANTELEBISYON ng isang kristiyanong denominasyon na tinatawag na "LA LUZ DEL MUNDO" o "Light of the World". (kung saan maraming nakapansin na talo sa naganap na debate si Eli Soriano)


Malalaman nating si Carlos Montemayor ay hindi naman tagapamahala o may pinakamataas na leadersa pangkating La Luz Del Mundo. Ang kinikilala nilang pinakamataas ay si Naasón Joaquín García na siya ding kinikilala nilang apostol DAW ni Cristo.




Ang tanong natin, bakit kapag mga pipitsugin ang makakadebate ni Eli Soriano pwedeng hindi tagapamahala? Bakit kahit hindi pinakamataas na leader pwede? Bakit kapag Iglesia ni Cristo "ilabas si Manalo" ang dialogue ni Eli?

(excerpt from readme: http://iglesianicristoreadme.blogspot.com/2014/11/kailan-kaya-lalaban-ng-debate-si-eliseo.html#.VPhbxfmUdKU)

Laos na ang dialogue na MAY BANTA SA BUHAY, bakit wala ka bang Diyos, ganun ka ka-duwag mamatay. Kung pinagbabantaan ng INC ang buhay niya, matagal na dapat siyang wala sa mundong ito, dahil gano man siya kalayo pwedeng pwede naman siyang ipahanap ng INC saka gawin ang ibinibintang samin. Pero hanggang ngayon kita nyo naman, BUHAY NA BUHAY SIYA. Nagtatago sila sa style na may "nagbabanta sa buhay" ang korni.

KAILAN KAYA LALABAN NG DEBATE SI ABE ARGANIOSA AT MARWIL LLASOS SA IGLESIA NI CRISTO?

Wendell Talibong, Socrates Fernandez, Wilson Woodrow, at ang latest ay sina Alvin Gitamondoc at CFD National PRESIDENT Ramon Gitamondoc. Isama pa natin ang mga INTERNATIONAL catholic apologetics na sina Karl Keating at Jesse Romero, ilan lamang yan sa mga catholic faith defenders na naka-formal debate na ng Iglesia ni Cristo. Hindi natin matatawaran ang kanilang LAKAS ng LOOB na makipagdebate sa INC nang walang "pagdadahilan"o excuses(kahit nagkakandalito-lito sila sa mga cross examinations).

Dalawa sa matitinding manira sa INC ay sina CFD National Adviser Abe Arganiosa at DFF Marwil Llasos, kilala sa kanilang mga blogs na "splendor" at "knowthetruth", ay hindi pa natin nakikitang humarap sa mga formal debates. Bakit? Dahil sa kanilang mga blogs at websites lamang nila kayang ipagtanggol ang kanilang mga paniniwala. Kumbaga pag dating sa live action ay nasa-shock tulad ng nangyari kay Alvin Gitamondoc, sa FB magaling manira ngunit nung humarap na sa formal debate ay natulala sa screen.(matatameme ang splendor at knowthetruth kung sakali). Ang nakakabilib lang dito kay G.Alvin Gitamondoc ay sumulat siya ng formal letter sa INC Office.

Napakarami ang kanilang mapagpipiliang tema, mga temang madalas nilang i-topic sa kanilang mga blogsites, at hindi pa natin napapanood sa mga debate tulad ng tungkol sa:


1. Maria, Ina ng Dios, tagapamagitan
2. Ash Wednesday at Kwaresma
3. Dugo,pwedeng kainin

4. Celibacy
5. Infant Baptism
6. Rosary
7. Sign of the cross
8. Pagtawag ng father
9. Misa at eucharist

10. Santo at mga rebulto
11. Valentines day, All saints day
12. Pasko
(apirmatibo/negatibo)

Nakakapagtaka kung bakit walang CFD na ginagawang tema ito sa mga formal debate diba? Indefensible? Ano kayang rason ang kokopyahin ng mga ito kay eliseo soriano? Ilabas ang mga "Manalo"? Puno sa puno? May deaththreat? Mag isip naman ng iba, gasgas na yan.


(for internet use only)