KATOLIKO NAGHAHAPUNAN SA UMAGA?NANGOPYA SA ADD NG ATAKE?

Kapansin pansin ang pangongopya o pamumulot ng panunuligsa ng mga catholic defenders sa mga "ang dating daan" o MCGI kahit pa tinatamaan nito maging ang kanilang pananampalataya. Tingnan natin ang post ng CFD sa larawan sa ibaba:


Ang tanong niya, "saang sitas mo nabasa sa bibliya na naghapunan ang mga apostol kasama si Cristo na ginawa nila ito sa UMAGA?". Dito malalaman nating hindi nya alam na yung "banal na hapunan" nila ay ginagawa din nila kahit umaga, isa pong kaipokritohan na pag-atake. Alam naman natin na yung "hapunan" nila ay ginagawa nila sa kanilang mga "misa" na ayon sa kanilang iniidolong pari na si abe arganiosa ay "eucharist" ang tunay na pangalan.


Na kung saan sa "eucharist" ay doon nakapaloob ang kanilang "banal na hapunan".


Ito pa nga daw ang kanilang ginagawa sa "banal na HAPUNAN" na nakapaloob sa "misa" o "eucharist".


Tingnan naman natin kung anong oras ang mga schedule ng kanilang mga "misa" na kung saan doon nakapaloob ang "banal na HAPUNAN"



SOURCE: http://www.mass-schedules.com/philippine-locations.html

Mangongopya na sila kahit pa salungat din sa kanila makapanira lamang sa Iglesia ni Cristo ang mga Catholic defenders. Wala na siguro silang maisip na pang atake. Kayo na po ang humusga.



ISANG RELIHIYON POSIBLENG NAGPAKALAT NG PAGTANGGI RAW NG INC SA MGA BIKTIMA NG BAGYO

Posibleng isang sekta relihiyon ang nasa likod ng pagpapakalat ng chismis upang pag awayin ang INC at mga kababayan naming katoliko. Narito ang ilan sa aking pagsisiyasat na mga pinagmulan ng chismis. Karamihan ay mula sa kanilang grupo.






Ilan lamang po yan sa marami ko pa pong nasiyasat. Ang iba po ay maaaring kayo na po ang magpatunay sa sarili ninyo. Karamihan sa mga yan ay hindi din gumagamit ng kanilang tunay na pangalan o poser. (Kaya pala hindi ito ginawang source ng paring si Abe Arganiosa).

Narito pa po ang mga dahilan kung bakit posibleng sila ang nasa likod ng pagkakalat ng chismis.

1. Wala po silang pinapatayong gusaling sambahan, kung kaya parang 2 birds in 1 stone ang naatake nila. Kung sa katoliko nga naman nasira lang din yung simbahan nila at sa INC naman ay hindi naman daw nagpapasok sa INC compound.

2. Wala po silang relief operations para sa mga nasalanta kaya maaaring naiinggit lamang sila.

3. Upang masiraan nila ang Iglesia ni Cristo members sa mga kababayan nating katoliko, para hindi na maakay.

4. At ito syempre, alam naman nating lahat na galit na galit sila sa mga INC.

5. Malawak na ang kapangyarihan nila sa social media, kaya nga madami daw awards ang kanilang mga websites, kahit sa youtube ay napapabura o napapablock nila ang videong laban sa kanila. Kaya malaki ang posibilidad nila sa mga poser accounts.

Narito nga pala ang balita, ayon dun sa tunay na may ari ng pangalan ng poser, pinag aaway nga lang ang INC at katoliko.


Mga kababayan namin, huwag sana kayong magpadala o magpabulag sa mga paninira nila. Huwag sana kayong magpadala sa damdamin ninyo kapag nababasa nyo ang mga chismis, suriin nyo itong mabuti. At sa halip ay magtulungan tayo para sa mga nabiktima ng kalamidad. Nawa ay sumainyo ang Espiritu Santo upang makauunawa ng tunay na pag ibig at pagmamalasakit. KAYO NA ANG HUMUSGA.

PAGTULONG ANG INTENSYON NG IGLESIA NI CRISTO SA YOLANDA SURVIVORS

Ito ang tamang sagot sa mga naninira sa Iglesia ni Cristo tulad ng larawan sa ibaba:



At gumamit pa sila ng talata. Hindi ba nila alam na sobrang dami ng ipinagyayabang ng kanilang pari sa kanyang blog tulad ng mga larawan sa baba:





PANSININ PO NATIN NA MAY TATAK DSWD YUNG PLASTIK


 NASAN NA?MANINISI NA LANG KAYO SA GOBYERNO?


NASAN NA YUNG IPAPADALA?

 

Yabang ng comment nya sa baba.



Sa sobrang pagyayabang ng pari nila, sinisi na lang nila yung gobyerno. Nasan na kaya yung pinagyayabang nilang pinadala ng vatican? Puro na lang sila sisi at paninira kung wala naman talaga silang itutulong mabuting tumahimik na lang. Panay pa ang kwenta nila(pati local media) ng mga natatanggap na tulong ng Pilipinas, bilyon bilyon na ngunit nasan na? Hindi ba sila nahihiya sa mga miyembro nila? (yung open minded na miyembro)




Ang Iglesia ni Cristo ay tumutulong hindi para magyabang kundi upang tuparin ang utos na makaluwalhati sa Diyos gaya ng nasusulat:



2 Corinto 9:12

Sapagka't ang pangangasiwa sa paglilingkod na ito ay hindi lamang tumatakip sa pangangailangan ng mga banal, kundi naman umaapaw sa pamamagitan ng maraming pagpapasalamat sa Dios; Palibhasa'y sa pagsubok sa inyo sa pamamagitan ng ministeriong ito ay niluluwalhati nila ang Dios dahil sa pagtalima ng inyong pagkilala sa evangelio ni Cristo, at dahil sa kagandahang-loob ng inyong ambag sa kanila at sa lahat; Samantalang sila rin naman, sa panalanging patungkol sa inyo, ay nananabik sa inyo dahil sa saganang biyaya ng Dios sa inyo. Salamat sa Dios dahil sa kaniyang kaloob na di masabi.

Kapansin pansin din na sa mga nagdaang araw ay inuna pa ng paring ito na manira kesa sa tumulong sa mga nasalanta ng kalamidad, ang kanyang mga paninira ay agad na natuldukan sapagkat naipakita na namin ang katotohanan tulad ng mga video at mga larawan sa ibaba:



https://www.facebook.com/photo.php?v=756480687701486

International media yan dahil sabi nga ni Mr. Joey de Leon sa kanyang tunay na twitter account ay:

For real and honest reportage of the situation in the storm-hit areas JUST watch CNN and BBC. Yung iba sa atin inutil !

At ito pa ang pagtulong ng INC:




At sa mga pumupuna naman sa relief goods ng Iglesia ni Cristo na may tatak daw ng INC yung plastik, kahit PHILIPPINE RED CROSS AT DSWD may tatak din yung plastik.





NOTE: Hindi namin pinagyayabang ang pagtulong, may mga tao lang na sinisiraan ang INC na hindi daw tumutulong kaya paano nila makikita kung hindi ipaaalam.(Siyanga pala, para sa mga naninira alamin nyo muna ang pinagkaiba ng INC CHAPEL at INC COMPOUND para maliwanagan muna kayo) Ngayon malinaw na satin kung sino ang nagyayabang lang at kung sino ang tumutulong, wag manira lang kundi tumulong ka. ika nga nila "ACTION SPEAKS LOUDER THAN WORDS"

Muli sumainyo ang Espiritu Santo upang makaunawa ng katotohanan.

IGLESIA NI CRISTO REFUSED SHELTER FOR SUPER TYPHOON VICTIMS IN ILOILO?(UPDATED)



Isang malalim na pagsusuri tungkol sa mga ichinismis ng paring si abe arganiosa. Unahin natin ang kanyang mapalinlang na kwento mula sa kanyang sariling source.





TAKE NOTE:Si Mai Militante ay isang debotong katoliko



Ayon sa kwento nya na kwento daw ng kanyang staff. "they were walking from estancia to balasan road". Ating tingnan kung gaano kalayo yung estancia to balasan road na kanila umanong NILAKAD sa kasagsagan ng bagyong yolanda.





From A(Estancia) to B(balasan) ay 8.7km na PAGLALAKAD sa loob ng 1 ORAS at 45 MINUTO ayon sa google map, mahihirapan si Abe Arganiosa na ipaliwananag ito maliban na lamang kung gumawa sila ng gawa gawang mapa na madali namang gawin ng kanyang mga kampon. At sa balasan road daw ay "they stopped and thought that they could rest at the church of Iglesia ni Cristo". Tingnan naman natin kung gaano KALAYO yung balasan sa pinakamalapit na church ng Iglesia ni Cristo"






From balasan road(A) kung saan sila tumigil at ang pinakamalapit na church ng Iglesia ni Cristo sa AJUY(B) ay 43.6km ang LAYO, 8 ORAS at 47 MINUTO ang PAGLALAKAD. Again mahihirapan si Abe Arganiosa na lakarin ito este ipaliwanag ito maliban na lamang kung gagawa siya ng gawa gawang mapa sa tulong ng kanyang mga kampon. Isipin nyo yung ginawa nilang kwento sa gitna ng bagyo pang comedy film "WALK to remember".




Pagkatapos nito ganito daw ang nangyari: "people from that church told them they cannot come in bcoz they are not members of that church". (pero ang picture ng INC chapel sa kanyang blog ay INC mula sa Tacloban Leyte at hindi ILOILO) Tingnan nga natin kung totoo ang mga kwento nilang yan. Ayon sa abs-cbn:http://www.abs-cbnnews.com/nation/regions/11/12/13/inc-worship-center-survives-yolanda




UPDATE:
Nagpakita sila ng mapa kuno ng kapilya ng INC sa balasan, iloilo KUNG SAAN TUMIGIL ANG WET STAFF, ngunit kaduda duda na naman ang mga source nila. (Ngunit ang point ko lang naman e ANGLAYO pa din ng NILAKAD nila kahit bagyong bagyo na at bakit hindi kinupkop ng MAYKAYANG si Mai militante ang kanyang mga staff?)

Ito ang kanilang pinakitang map#1:



Kung inyong mapapansin ang INC sa mapa sa itaas na kanilang pinakita ay nasa way ng ROXAS CITY NATIONAL ROAD at wala sa way ng CARLES NATIONAL ROAD tulad ng pinakita nilang map#2 na nasa ibaba:



Dahil ang CARLES NATIONAL ROAD ay papuntang NORTH:

Kaya kaduda duda na naman ang kanilang source na site ng MT. ZION MEMORIAL PARK dahil sa baba:



Kayo na ang humusga mga readers, huwag magpaka panitiko o huwag pairalin ang pride dahil hindi ka ililigtas nito bagkus ipapahamak ka pa ng kasinungalingan. Ika nga walang matigas na tinapay sa mainit na kape. Sumainyo ang Espiritu Santo upang makaunawa.

ABE ARGANIOSA ANG PARING WALANG TIGIL SA PANINIRA SA INC


Kung ating mapapansin, nagsimula ang mga kalamidad nung binatikos, kinutya o siniraan ng paring ito (kasama mga katulad nyang maninira) ang INC sa isinagawang lingap sa quiapo noong nakaraang oktubre 2013. Pagkatapos non puro paninira na ang inabot ng INC sa pangunguna ng paring ito.(Napansin ko din na puro Visayas ang tumbok ng mga kalamidad, hindi kaya ay dahil nasa Visayas ang paring ito?Makaramdam sana ang paring ito na mukhang sinasaway na siya)




Sa kabila ng tulong o lingap na ginawa ng INC ay wala pa din silang nakitang maganda kundi puro paninira pa din. Kaya pinagpasa Diyos na lang namin sila.

ROMA 12:14-31 IDALANGIN ninyo ang mga umuusig sa inyo; idalangin ninyo sila at huwag sumpain.Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga tumatangis.Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha.Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay nang marangal.Hangga't maaari, makisama kayo nang mapayapa sa lahat ng tao.Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa Diyos. Sapagkat nasusulat, "AKIN ANG PAGHIHIGANTI, AKO ANG GAGANTI, SABI NG PANGINOON."Subalit, "Kung NAGUGUTOM ang iyong KAAWAY, PAKAININ MO; kung NAUUHAW, PAINUMIN mo; sa gayon ay magbubunton ka ng mga baga sa kanyang ulo." Huwag kayong magpadaig sa masama, kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama.


Kinabukasan nilindol ang Visayas at ito ang pinakatampok ng lindol, ang mga simbahang pwede namang mapatibay at maingatan ang historical value.




Pagkatapos nito, gumawa na naman ng isyu itong paring ito sa pamamagitan ng isang poser na kunwaring INC na natutuwa sa naganap na lindol.(pero wala naman akong nakitang natuwa siya dahil sa nangyari kundi natuwa dahil sa "surely ligtas kana")





Di nagtagal, sa kabila ng puro paninira ng paring ito ng mga sinungaling na kampon. Sinalanta naman ng super typhoon yolanda ang Visayas. Nainspired kami sa larawan ng kapilya na kuha ng isang journalist na katoliko dahil sa kabila ng matinding bagyo ay nanatiling buo pa din ito, ngunit dahil sa INGGIT ay gumawa ng mga paninira o kwento ang paring ito kasama ng mga kampon nya.



Kapansin pansin kung paano pa nagkaroon ng komunikasyon ang storyteller nato sapagkat sa panahong yon ay walang kuryente at wala ding signal pangkomunikasyon doon. At pagala gala ka pa sa lakas ng bagyo. Hindi ebidensya ito kundi tsismis lang. At hindi ba dahil debotong katoliko siya kaya galit siya sa INC?




Ito pa ang isa pang debotong katoliko, kahit sa korte hindi tatanggapin yang kwento nyo e.















Ito pa, isa namang poser ang kanilang ginamit,hindi naman ako nagtataka kung bakit sila sumasampalataya sa poser o peke dahil sa sumasampalataya nga sila sa rebulto.(as of now marami pa silang poser na sinasampalatayan, nagsusulputan pa ang mga poser na ito)











Ang pakana ng paring ito at ng mga kampon nya ay gumawa ng fake accounts ng inc member pero meron talagang tunay na account, gagawin lang nilang dalawa ang account, pagkatapos non yung pekeng inc member account e puro paninira kuno sa kanila at may bad words pa para pasamain ang inc member, mala-demonyong gawain di ba? Kaya isa na namang poser o nagpapanggap na INC ang ichinismis ng paring ito para makapanira lamang. Napakababaw ng taong naniniwala sa poser. Lumabas na naman ang katotohanan. Kayo mga kababayan?Papanigan nyo pa ba ang mga ganyang uri ng mga tao?Imbes na akayin kayong mga miyembro para manalangin at magtulungan ay tinuturuan pa kayong mamuhi sa iba. Parang itinuturo nila na kapag hindi dininig yung dasal nila sa mga rebulto e inc dapat ang sisihin. Maging mapanuri naman kayo mga kababayan para naman yan sa inyong kaligtasan. Idinadalangin namin kayo mga kababayan.

(May naaamoy akong di maganda, mukhang ADD yang grupo ng mga poser na yan, dahil sila ang magbebenefit sa nangyayari kapag nasira ang INC at Katoliko,tama? pero kailangan ko pa munang imbestigahan mabuti ito)



PAPA NG KATOLIKO UMAMING HINDI NANINIWALA SA DIYOS NILA


Ayon sa pahayag ng papa ng mga katoliko, hindi daw siya naniniwala sa diyos nila. Ganito ang kanyang mga pahayag:

“I believe in God, not in a Catholic God. There is no Catholic God, there is God and I believe in Jesus Christ, his incarnation. Jesus is my teacher and my pastor, but God, the Father, Abba, is the light and the Creator. This is my Being. Do you think we are very far apart?”, the pope said in the interview with the Italian newspaper La Repubblica.


Dito mapapansin nating mukhang hindi siya naniniwala sa trinity na itinuturo ng mga katoliko sapagkat ipinakilala nya ang kaibahan ni Hesus at ng Ama, ang sabi nya si "Hesus ay teacher at pastor" samantalang "ang Diyos ang Ama ang Manlilikha". Isa itong malaking pag-amin na walang trinidad, mula sa mga katoliko. Lalo pang lumiliwanag ang mga katotohanan.

CATHOLIC FAITH DEFENDER UMAMING IGLESIA NI CRISTO ANG NASA BIBLIYA AT ANG KATOLIKO HINDI MABABASA SA BIBLIYA

Sa idinaos na religious debate ng Iglesia ni Cristo at Catholic faith defenders noong 25 October 2013 sa quezon park,dumaguete city ay walang pasubaling inamin ng debatistang katoliko na ang nakasulat sa bibliya ay "Iglesia ni Cristo". Ganito ang naging talakayan(sa tagalog):

TANONG:
Bro. Ramil(INC): Sa Roma 16:16,23 - ang nakasulat ba iglesia apostolika romana o Iglesia ni cristo?


SAGOT:
Bro. Soc(CFD): Ang nakasulat Iglesia ni Cristo

VIDEO:

http://www.youtube.com/watch?v=kcNaRnaIBRs&feature=youtu.be




Sa ikalawang paksa naman ay walang pasubali ding inamin ng isa pang debatistang katoliko na ang "katoliko" hindi mababasa sa bibliya. Ganito ang naging talakayan:

TANONG:
Bro. Ramil(INC): Sa pamphlet ba sinasabi na ang iglesia ni cristo,iyon din ang iglesia katolika apostolika romana?Nariyan ba?

SAGOT:

Bro. Woodrow(CFD): Ang "katoliko" hindi iyan mababasa sa bibliya.

VIDEO:

http://www.youtube.com/watch?v=P_hQdChS1rI&feature=youtu.be




Ang palusot pa nila kaya daw naging katoliko dahil unibersal daw sila,pano ngayon yung sekta protestante o muslim na unibersal din o kaya lalo ngayong ang INC ay laganap na din UNIBERSAL na,ibig sabihin ba katoliko din ang mga yan?
Hayag na hayag ang katotohanan. Tapos na agad ang tema o paksang pinag uusapan kaya wala ng saysay pa kung may maghamon pa ulit na cfd sa ganitong paksa dahil magkokontra kontra lamang sila. 

TUNGKOL SA PAGKAWASAK NG TEMPLO MATEO 24

          Noong October 14, 2013 ginanap ang lingap pamamahayag sa Quiapo. Nagdulot ito ng matinding mga pang-uupat o pangungutya mula sa iba tulad ng nasa larawan:



            Sa kabila ng aming paglingap o pamimigay ng tulong o mga pagkain ay inupatan o kinutya pa kami. Ngunit idinalangin pa din namin sila bilang pagsunod sa tagubilin ng Panginoon na nasusulat sa:

ROMA 12:14-31 IDALANGIN ninyo ang mga umuusig sa inyo; idalangin ninyo sila at huwag sumpain.Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga tumatangis.Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha.Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay nang marangal.Hangga't maaari, makisama kayo nang mapayapa sa lahat ng tao.Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa Diyos. Sapagkat nasusulat, "AKIN ANG PAGHIHIGANTI, AKO ANG GAGANTI, SABI NG PANGINOON."Subalit, "Kung NAGUGUTOM ang iyong KAAWAY, PAKAININ MO; kung NAUUHAW, PAINUMIN mo; sa gayon ay magbubunton ka ng mga baga sa kanyang ulo." Huwag kayong magpadaig sa masama, kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama.


            Kinabukasan mismo October  15, 2013 naganap ang nakalulungkot na trahedya sa lugar na maituturing na may pinakamaraming simbahan. Hindi man puro simbahan ang nagiba ngunit ito ang pinakatampok ng mga balita. Gaya ng makikita sa larawan:


Ezekiel 6:4 "Your altars will be demolished and your incense altars will be smashed; and I will slay your people in front of your idols."


            Tila yata may hawig ang mga pangyayaring ito sa mga talata sa biblia.(in my OWN opinion ONLY). Basahin natin mga kapatid ang MATEO 24, ganito ang nakasulat:


Mateo 24: 1-51

           Tungkol sa Pagkawasak ng Templo

               1 Lumabas si Jesus sa Templo. Paalis na siya nang lumapit ang mga alagad at itinuro sa kanya ang mga GUSALI NG TEMPLO. 2 Sinabi niya sa kanila, "Nakikita ba ninyo ang mga gusaling iyan? Tandaan ninyo! Darating ang araw na wala riyang matitirang bato sa ibabaw ng kapwa bato. Lahat ay IGUGUHO!"

(Mukhang nangyari nga po)

Mga Kahirapan at Pag-uusig na Darating

               3 Noon, si Jesus ay nasa Bundok ng mga Olibo. Habang siya'y nakaupo roon, palihim siyang tinanong ng kanyang mga alagad, "Kailan po ba mangyayari ang mga sinabi ninyo? Ano po ang magiging palatandaan ng inyong muling pagparito at ng katapusan ng mundo?"

               4 Sumagot si Jesus, "Mag-ingat kayo upang hindi kayo mailigaw ninuman! 5 Maraming paparito sa pangalan ko at magpapanggap na sila ang Cristo, at marami silang maililigaw. 6 Makakarinig kayo ng mga labanan at makakabalita ng mga digmaan sa iba't ibang dako. Ngunit huwag kayong mababahala dahil talagang mangyayari ang mga iyon, bagama't HINDI PA IYON ang katapusan ng mundo. 7 Maglalaban-laban ang mga bansa at gayundin ang mga kaharian. Magkakaroon ng taggutom at lilindol sa maraming lugar. 8 Ang lahat ng mga ito'y pasimula pa lamang ng mga paghihirap na tulad sa isang babaing nanganganak.

(Nangyayari na po ang mga ito)

               9 "Sa mga panahong iyon, KAPOPOOTAN kayong lahat dahil sa inyong pagsunod sa akin. Isasakdal kayo upang pahirapan at patayin, 10 at dahil dito'y marami ang tatalikod sa kanilang pananampalataya. Mapopoot sila at magtataksil sa isa't isa. 11 Marami ang magpapanggap na propeta at ililigaw ang mga tao. 12 Ang kasamaa'y lalaganap, kaya't manlalamig ang pag-ibig ng marami. 13 Ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas. 14 Ipapangaral sa buong sanlibutan ang Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Diyos upang ang lahat ng bansa ay makarinig nito. At kung maganap na ito, darating na ang katapusan." 

(
Nangyayari na po ito dahil worldwide po ang pamamahayag kabayan ko kapatid ko at kung mapapansin po natin mga kapatid ay matindi po ang pag uusig ngayon)

Ang Kasuklam-suklam na Kalapastanganan

               15 "Unawain ninyo itong mabuti: kapag nakita ninyong nagaganap na sa Dakong Banal ang kasuklam-suklam na kalapastanganang tinutukoy ni Propeta Daniel, 16 ang mga nasa Judea ay dapat tumakas papunta sa kabundukan, 17 ang nasa bubungan ay huwag nang mag-abala pang kumuha ng kahit ano sa loob ng bahay, 18 at ang nasa bukid ay huwag nang umuwi upang kumuha ng balabal. 19 Sa mga araw na iyon, kawawa ang mga nagdadalang-tao at mga nagpapasuso! 20 Ipanalangin ninyo na ang inyong pagtakas ay huwag mapataon sa taglamig o sa Araw ng Pamamahinga. 21 Sapagkat sa panahong iyon, ang mga tao'y magdaranas ng matinding kapighatiang hindi pa nararanasan mula nang likhain ang sanlibutan hanggang sa ngayon, at hindi na mararanasan pa kahit kailan. 22 Sa katunayan, kung hindi paiikliin ng Diyos ang panahong iyon, walang taong maliligtas. Ngunit alang-alang sa mga hinirang ng Diyos, paiikliin ang panahong iyon.

(Nangyayari na po ito, napakabilis na po ng panahon ngayon)

               23 "Kung may magsasabi sa inyo, 'Narito ang Cristo!' o 'Naroon siya!' huwag kayong maniniwala. 24 Sapagkat may lilitaw na mga huwad na mesiyas at mga huwad na propeta. Magpapakita sila ng mga kamangha-manghang himala at mga kababalaghan upang iligaw ang marami kahit na ang mga hinirang ng Diyos. 25 Tandaan ninyo, ipinagpauna ko nang sabihin ito upang kayo'y makapaghanda
.

(Kaya huwag po tayong maniwala sa mga HIMALA NG REBULTO o HIMALA NG BIRHEN O SANTO)

               26 "Kaya't kung sabihin nila sa inyo, 'Naroon siya sa ilang,' huwag kayong pumunta roon. Kung sabihin naman nilang, 'Naroon siya sa silid,' huwag kayong maniniwala. 27 Sapagkat darating ang Anak ng Tao na parang kidlat na gumuguhit mula sa silangan hanggang sa kanluran.

               28 "Kung saan may bangkay, doon nagkakatipon ang mga buwitre."

(ito po ang mga susunod na mangyayari di natin alam kung kelan)

Ang Pagparito ng Anak ng Tao

               29 "Pagkatapos ng kapighatian sa mga panahong iyon, magdidilim ang araw, hindi magliliwanag ang buwan, malalaglag mula sa langit ang mga bituin, at mayayanig ang mga kapangyarihan sa kalawakan. 30 Pagkatapos, lilitaw sa langit ang tanda ng Anak ng Tao at mananangis ang lahat ng bansa. Makikita nila ang Anak ng Tao na nasa alapaap at dumarating na may dakilang kapangyarihan at kadakilaan. 31 Sa hudyat ng malakas na tunog ng trumpeta, susuguin niya ang kanyang mga anghel sa apat na sulok ng daigdig at titipunin nila ang mga hinirang mula sa lahat ng dako."

Ang Aral Mula sa Puno ng Igos

               32 "Unawain ninyo ang aral mula sa puno ng igos; kapag ang mga sanga nito ay umuusbong at nagkakadahon na, alam ninyong malapit na ang tag-araw. 33 Gayundin naman, kapag nakita ninyo ang lahat ng ito, malalaman ninyong malapit na ang pagdating ng Anak ng Tao, talagang malapit na. 34 Tandaan ninyo, magaganap ang lahat ng ito bago mamatay ang mga taong nabubuhay ngayon. 35 Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang aking mga salita ay mananatili magpakailanman."

Walang Nakakaalam ng Araw o Oras

               36 "Ngunit walang nakakaalam ng araw at oras ng pagsapit niyon, kahit ang mga anghel sa langit o maging ang Anak man. Ang Ama lamang ang nakakaalam nito. 37 Ang pagdating ng Anak ng Tao ay tulad sa pagdating ng baha noong panahon ni Noe. 38 Nang mga araw na iyon, bago bumaha, ang mga tao'y nagsisikain, nag-iinuman, at nagsisipag-asawa hanggang sa pumasok si Noe sa barko. 39 Hindi nila namamalayan ang nangyayari hanggang sa dumating ang baha at tinangay silang lahat. Gayundin ang mangyayari sa pagdating ng Anak ng Tao. 40 Sa panahong iyon, may dalawang lalaking nagtatrabaho sa bukid, kukunin ang isa at iiwan ang ikalawa. 41 May dalawang babaing nagtatrabaho sa gilingan, kukunin ang isa at iiwan ang ikalawa. 42 Kaya't maging handa kayo dahil hindi ninyo alam kung kailan darating ang inyong Panginoon. 43 Tandaan ninyo ito: kung alam ng may-ari ng bahay kung anong oras sa gabi darating ang magnanakaw, siya'y maghahanda at hindi niya pababayaang pasukin ang kanyang bahay. 44 Kaya't lagi kayong maging handa, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo nalalaman."

(Kaya dapat palaging maging handa tayo mga kapatid)

Dapat Palaging Maging Handa

               45 "Sino ang tapat at matalinong alipin? Hindi ba't ang pinamamahala ng kanyang panginoon upang magpakain sa iba pang mga alipin sa takdang oras? 46 Mapalad ang aliping iyon kapag dinatnan siyang tapat na naglilingkod sa pagbabalik ng kanyang panginoon! 47 Sinasabi ko sa inyo, gagawin siyang tagapamahala ng kanyang panginoon sa lahat ng mga ari-arian nito. 48 Ngunit kung masama ang aliping iyon, sasabihin niya sa kanyang sarili, 'Matatagalan pa ang pagbabalik ng aking panginoon.' 49 Kaya't sisimulan niyang bugbugin ang ibang mga alipin, at makikipagkainan at makikipag-inuman sa mga lasenggo. 50 Babalik ang panginoon ng aliping iyon sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya alam. 51 Buong higpit siyang paparusahan ng kanyang panginoon, at pagkatapos ay isasama sa mga mapagkunwari. Doo'y tatangis siya at magngangalit ang ngipin."

PARING KATOLIKO UMAMING SUKDULAN NA ANG GALIT SA KANILA NG DIYOS

        Bago natin simulan ang lahat ay nais nating ipagpasalamat na hindi nadamay si G. Abraham Arganioza, ang paring bitter na kumukutya sa INC, sa mga gumuhong bahay sambahan sapagkat sa pagkakaalam ko ay taga Cebu siya.

        Sa ating pagpapatuloy, ating tingnan muli ang pagpapasabog ng kanyang "kapulpulan"(term nya). Tingnan natin ang larawan:


     Ating suriin ang sinitas nyang talata, ganito ang nakasaad:
2 HARI 25:8-17
8Nang ikapitong araw ng ikalimang buwan ng ikalabing siyam na taon ng paghahari ni Nebucadnezar, pinasok ni Nebuzaradan na pinuno ng mga tanod ni Nebucadnezar ang Jerusalem. 9 Sinunog niya ang Templo, ang palasyo, at ang malalaking bahay doon. 10 Ang mga pader ng lunsod ay giniba naman ng mga kawal na kasama ni Nebuzaradan. 11 Dinala niyang bihag ang natitira pang mga tao sa Jerusalem, pati ang mga sumuko sa hari ng Babilonia. 12 Ang iniwan lamang niya roon ay ilang mga dukha upang magbungkal ng lupa at magtrabaho sa mga ubasan. 13 Ang mga haliging tanso, patungang tanso at ang palangganang tanso na nasa Templo ay tinanggal nila, pinagpira-piraso at dinala sa Babilonia. 14 Kinuha rin nila ang mga kagamitan sa Templo: ang palayok, pala, lalagyan ng abo, plato, sunugan ng insenso at ang lahat ng kagamitang tanso. 15 Kinuha rin nila ang gintong lalagyan ng baga at lahat ng kasangkapang ginto at pilak. 16 Ang mga haliging tanso, ang hugasang tanso at ang patungan nito ay hindi na nila tinimbang sapagkat napakabigat. 17Ang taas ng isang haligi ay walong metro at may koronang mahigit na isa't kalahating metro ang taas. Nababalot ito ng mga palamuting tanso: hinabi ang iba at ang iba nama'y kahugis ng prutas na granada.

        Ayon sa kanya, pinahintulutan daw ng Diyos na mawasak ang Kanyang templo. Ating itaas ang pagbasa at para malaman natin kung bakit nawasak ang templo:

2 Hari 24:20

 20 Umabot na sa SUKDULAN ang GALIT ni Yahweh sa Jerusalem at Juda kaya ang mga ito'y ipinabihag niya sa mga kaaway.

         
Kaya naman pala nawasak dahil ipinabihag na ng Diyos ang Jerusalem at Juda sa mga kaaway nito dahil sa SUKDULAN ANG GALIT NYA. Mabuti naman naging tama ang pag sitas ni Mr. Pulpol sa talata.

           Atin namang suriin ang pag sitas nya sa:

 HAGAI 2:6-9
  6 "Hindi na magtatagal at yayanigin ko ang langit at ang daigdig, ang lupa at ang dagat. 7 Yayanigin ko ang mga bansa at dadalhin ko dito ang kanilang mga kayamanan. Ang Templong ito ay mapupuno ng kanilang mga kayamanan 8 sapagkat ang lahat ng pilak at ginto sa buong daigdig ay akin. 9 Dahil dito, ang bagong Templo ay magiging higit na maganda kaysa doon sa nauna, at sa bagong Templong ito ay mahahayag ang kasaganaan at katiwasayang ipagkakaloob ko sa aking sambayanan." Ganito ang sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.

               
Ayon dito, meron nang bagong templo bago pa yayanigin ang langit at ang daigdig, pagkatapos noon ay mapupuno ng templo ng mga kayamanan. Ating itaas ang pagbasa sa:

HAGAI 2:3

3 "Sino sa inyo ang nakakaalala sa maringal na kaningningan ng NAUNANG TEMPLO? Maihahambing ba ninyo ang kagandahan NOON sa hitsura ng TEMPLONG ITO NGAYON? Wala ITONG sinabi sa NAUNANG TEMPLO.

       Kaya Mr. pulpol, tulad ka ng dyablong tumutukso sa Panginoong Hesus na sumisitas pa ng talata para makapandaya lang. Sa pagsitas mo pa lang sa HAGAI ay nagkakaroon na ng doubt kung magkakaroon nga TEMPLONG MAS MARINGAL PA SA NAUNA yung mga simbahang gumuho at kung paano ito magagawa(ng gobyerno ba?)

BITTERNESS & INSECURITIES OF THE CATHOLIC FAITH DEFENDERS

Muli na namang nagpasabog ng "kapulpulan"(term ni G. abe) ang mga catholic fatih defenders. Tingnan natin ang kanilang mga komento na may halong pagkainggit at bitterness.

"ANG EVANGELICAL MISSION NG IGLESIA NI MANALO SA METRO MANILA SA ARAW NA ITO [OCTOBER 14, 2013] AY MAGULO, CHAOTIC, MAY COMMOTION AT ESTAMPEDE"

Sa totoo lang, mahirap talaga iorganize kapag milyong tao(karamihan ay hindi INC dahil sila ang priority) ang dumalo kaya unawa at pagpapasensya lang ang kailangan(ilang beses na nga ang paghingi ng pasensya). E yung pista nyo nga may mga namamatay pa e kaya wag kang ipokrito ganyan sa inyo(kung gusto mo,ichismis mo na lang na may namatay din,nakakahiya ka pa).

SOURCE:
http://www.gmanetwork.com/news/video/105656/unangbalita/bilang-ng-mga-nasaktan-sa-pista-ng-nazareno-umabot-na-sa-mahigit-400

http://www.philstar.com/bansa/539189/2-patay-sa-pista-ng-nazareno 

Ngunit ayon sa PNP ay naging "generally peaceful" ang aktibidad at walang namatay tulad ng pista nila.

SOURCE: 
http://newsinfo.inquirer.net/506829/police-inc-event-generally-peaceful

"NAKAKATAWANG ISIPIN NA ANG KANILANG MEDICAL MISSION AY ISANG ARAW LANG. ANONG SILBI NON? ITO ANG TINURAN NG ISA KONG KAIBIGANG DOCTOR NA NA NAGTATRABAHO SA ST. LUKE’S HOSPITAL:"

Wag ka ngang pulpol(term mo) wala ka kasing alam sa nangyayari sa loob mismo ng INC. Oo, isang araw lang yan sa malakihang venue, weekly ginaganap yan sa ibat ibang malalaking venue, pero sa bawat lokal o dako ng gawain ay tuloy tuloy pa din yan. Punta ka ng kapilya at magtanong ka, pero sure akong di ka pupunta panatiko ka e.

"MAGING ANG ABS-CBN REPORTER NA SI DORIS BIGORNIA AY HINDI MAIKAKAILA ANG PAGKADISMAYA. MEDICAL MISSION DAW E DI DAPAT MGA MAYSAKIT ANG PUPUNTA DUON SUBALIT PINAPILA ANG MGA SANDAMAKMAK NA MGA TAO NA PAWANG MGA MALULUSOG..."

Wag mong gawing hobby yang kapulpulan mo, ikahiya mo na yan. Hindi porket malusog ka hindi ka na magpapacheck up. At walang sapilitang pagsama dito. Hindi namin kailangang itanong sa isang tao kung maysakit siya para sumama siya kusang loob siyang sasama.

"WELL, KAHIT NA MAY PAIN SILANG BIGAS AT SARDINAS HINDI PA RIN OVERWHELMING ANG KANILANG BILANG. AALOG ALOG PA RIN ANG MGA KALSADA EXCEPT SA TRAFFIC. HA HA HA… KITANG KITA SA CAMERA AND VIDEOS NA HINDI PA RIN NILA MAPANTAYAN ANG BILANG NG MILYON MILYONG CATOLICO SA BAWAT PROSISYON NG POONG NAZARENO SA QUIAPO NA SINASALIHAN NG MAHIGIT 9 MILLION DEVOTEES:"

Ayun lumabas din ang dahilan ng pagiging bitter at insecurity mo. Wala kaming pakialam kung di mapantayan yang sinasabi mo, lunukin mo na lang yan. Dun sa mga namamatay dyan may pakialam pa kami dahil ang mahalaga samin ay pagtulong at pag ibig sa kapwa.

"THE CATHOLIC CHURCH ALSO HAS ITS MEDICAL MISSIONS…BUT WE DON’T DO IT ANNUALLY, WE DO IT IN A DAILY BASIS.  FOR SOME CATHOLIC NUNS AND PRIESTS, TAKING CARE OF THE SICK IS NOT MERELY A MISSION……IT’S A VOCATION. THE ROMAN CATHOLIC CHURCH, HELPING THE SICK SECRETLY SINCE (AND EVEN BEFORE) 1914."
Mabuti naman KUNG meron ALSO. We do it in a weekly(big venue)  and daily(lokal o dako ng gawain)take note: basta hindi araw ng pagtitipon o worship service pero sometimes meron pa din.



Atin namang sagutin ang iba pang mga insecurity at bitterness ng iba pang mga catholic faith defenders.


"Gusto nyo lang makakuha ng world record"

Huli ka na sa balita, matagal na kaming may world record at hindi ganun kaimportante samin yan kaya kung gusto mo sayo na lang yan. Ang babaw ng sinasabi mo.



"Iniyayabang nyo lang ang pagtulong nyo. Sa inyo natupad yung sinsabi ng bibliya sa Matthew 6:2"



Nakakatawang komento, pag wala kasi kayong nakikitang ganyan sasabihin nyo kinukurakot lang ang perang inaabuloy namin, alam namin yang kakitiran ng mga utak nyo. Hindi namin iniyayabang yan. Sa totoo lang ayaw namin ng publicity kung hindi dahil lang sa mga media na nagpapalaki ng balita. Napansin nyo ba?kung iyayabang namin yan e full coverage yan sa NET25 at INCTV pero hindi.

"
It's more of a "gulo" than help. They can do it their own churches or public plaza or big open spaces on a Saturday or Sunday .... why why why...???? what's motive??????

Yes, ganyan nga ginagawa namin. Meron sa church sa plaza at iba pang big open spaces , sobrang dami lang talaga ng nagpupunta kaya given na ang trapik at umabot sa mga kalsada ang mga tao. At kaya hindi sabado o linggo yan kasi may pagsamba hindi lang kaming mga INC kundi maging ang ibang relihiyon, ano ang gusto mong ituro namin?ang huwag na kayong magsimba o sumamba?o talagang hindi na kasi kayo nagsisimba kaya ganyan komento nyo?


"Hindi ko lang lubos maisip sa ibang opisyales ng ating gobyerno kung bakit kelangan pa magsuspende ng klase sa maraming lugar sa metro manila eh pwede namng magkaroon ng mga ganyan activities na hindi nasasakripisyo ang edukasyon ng maraming estudyante..."

Buti naman naisip mo yan, sa totoo lang wala kaming nirerequest na suspendihin ang klase, ang nagsuspende e mga MMDA including catholic schools kaya sila sisihin nyo(baka sila may isip na baka matrapik mga estudyante nila,ikaw wala) di katulad ng ibang relihiyon na panay padeklara ng holiday kaya yan ang patunay na walang political motive dito. Kung magiging fair tayo, dapat may pasok ang holy week nyo, xmas nyo, nov 1 nyo, ramadan atbp holiday pero samin ay ok lang naman bilang pagrespeto. Ngapala, wala kaming politikong pinatulong mamigay dito, wala kaming politikong pinayagang sumawsaw sa gitna ng aktibidad dito.


Sa bandang huli, ang pinakatampok ng aktibidad na ito ay ang pamimigay ng pagkain mula sa mga salita ng Diyos. Ito ang pinakamahalagang lingap na ibinibigay namin sapagkat ito ay utos ng Diyos gaya ng nasusulat sa:



Awit 40:9-10
Ako'y nagpahayag ng mabuting balita ng katuwiran sa dakilang kapisanan; narito, hindi ko pipigilin ang aking mga labi, Oh Panginoon, iyong nalalaman.
 Hindi ko ikinubli ang iyong katuwiran sa loob ng aking puso; aking ibinalita ang iyong pagtatapat, at ang iyong pagliligtas: hindi ko inilihim ang iyong kagandahang-loob at ang iyong katotohanan sa dakilang kapisanan.


CATHOLIC VIEW: SI YAHWEH AT SI HESUS AY IISANG PERSONA?

AYON SA ISANG CATHOLIC FAITH DEFENDER ANG NAGBIGAY KAY MOISES NG TEN COMMANDMENTS AY ANG ATING PANGINOONG HESUS. TINGNAN ANG KANYANG PAHAYAG:


NGUNIT SA IBANG MGA PAHAYAG NG MGA CATHOLICS AY SI YAHWEH ANG NAGBIGAY NG TEN COMMANDMENTS KAY MOISES. OBSERBAHAN ANG KANILANG MGA PAHAYAG:






NANGANGAHULUGAN BA ITO NA SI YAHWEH AT SI HESUS AY IISANG PERSONA? O MAY KANYA KANYANG SAMPUNG UTOS SI YAHWEH AT ANG PANGINOONG HESUS? MGA READERS KAYO NA ANG HUMUSGA. BUKSAN NAWA NG MAKAPANGYARIHANG DIYOS ANG INYONG MGA PANG-UNAWA.