PARING KATOLIKO UMAMING SUKDULAN NA ANG GALIT SA KANILA NG DIYOS

        Bago natin simulan ang lahat ay nais nating ipagpasalamat na hindi nadamay si G. Abraham Arganioza, ang paring bitter na kumukutya sa INC, sa mga gumuhong bahay sambahan sapagkat sa pagkakaalam ko ay taga Cebu siya.

        Sa ating pagpapatuloy, ating tingnan muli ang pagpapasabog ng kanyang "kapulpulan"(term nya). Tingnan natin ang larawan:


     Ating suriin ang sinitas nyang talata, ganito ang nakasaad:
2 HARI 25:8-17
8Nang ikapitong araw ng ikalimang buwan ng ikalabing siyam na taon ng paghahari ni Nebucadnezar, pinasok ni Nebuzaradan na pinuno ng mga tanod ni Nebucadnezar ang Jerusalem. 9 Sinunog niya ang Templo, ang palasyo, at ang malalaking bahay doon. 10 Ang mga pader ng lunsod ay giniba naman ng mga kawal na kasama ni Nebuzaradan. 11 Dinala niyang bihag ang natitira pang mga tao sa Jerusalem, pati ang mga sumuko sa hari ng Babilonia. 12 Ang iniwan lamang niya roon ay ilang mga dukha upang magbungkal ng lupa at magtrabaho sa mga ubasan. 13 Ang mga haliging tanso, patungang tanso at ang palangganang tanso na nasa Templo ay tinanggal nila, pinagpira-piraso at dinala sa Babilonia. 14 Kinuha rin nila ang mga kagamitan sa Templo: ang palayok, pala, lalagyan ng abo, plato, sunugan ng insenso at ang lahat ng kagamitang tanso. 15 Kinuha rin nila ang gintong lalagyan ng baga at lahat ng kasangkapang ginto at pilak. 16 Ang mga haliging tanso, ang hugasang tanso at ang patungan nito ay hindi na nila tinimbang sapagkat napakabigat. 17Ang taas ng isang haligi ay walong metro at may koronang mahigit na isa't kalahating metro ang taas. Nababalot ito ng mga palamuting tanso: hinabi ang iba at ang iba nama'y kahugis ng prutas na granada.

        Ayon sa kanya, pinahintulutan daw ng Diyos na mawasak ang Kanyang templo. Ating itaas ang pagbasa at para malaman natin kung bakit nawasak ang templo:

2 Hari 24:20

 20 Umabot na sa SUKDULAN ang GALIT ni Yahweh sa Jerusalem at Juda kaya ang mga ito'y ipinabihag niya sa mga kaaway.

         
Kaya naman pala nawasak dahil ipinabihag na ng Diyos ang Jerusalem at Juda sa mga kaaway nito dahil sa SUKDULAN ANG GALIT NYA. Mabuti naman naging tama ang pag sitas ni Mr. Pulpol sa talata.

           Atin namang suriin ang pag sitas nya sa:

 HAGAI 2:6-9
  6 "Hindi na magtatagal at yayanigin ko ang langit at ang daigdig, ang lupa at ang dagat. 7 Yayanigin ko ang mga bansa at dadalhin ko dito ang kanilang mga kayamanan. Ang Templong ito ay mapupuno ng kanilang mga kayamanan 8 sapagkat ang lahat ng pilak at ginto sa buong daigdig ay akin. 9 Dahil dito, ang bagong Templo ay magiging higit na maganda kaysa doon sa nauna, at sa bagong Templong ito ay mahahayag ang kasaganaan at katiwasayang ipagkakaloob ko sa aking sambayanan." Ganito ang sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.

               
Ayon dito, meron nang bagong templo bago pa yayanigin ang langit at ang daigdig, pagkatapos noon ay mapupuno ng templo ng mga kayamanan. Ating itaas ang pagbasa sa:

HAGAI 2:3

3 "Sino sa inyo ang nakakaalala sa maringal na kaningningan ng NAUNANG TEMPLO? Maihahambing ba ninyo ang kagandahan NOON sa hitsura ng TEMPLONG ITO NGAYON? Wala ITONG sinabi sa NAUNANG TEMPLO.

       Kaya Mr. pulpol, tulad ka ng dyablong tumutukso sa Panginoong Hesus na sumisitas pa ng talata para makapandaya lang. Sa pagsitas mo pa lang sa HAGAI ay nagkakaroon na ng doubt kung magkakaroon nga TEMPLONG MAS MARINGAL PA SA NAUNA yung mga simbahang gumuho at kung paano ito magagawa(ng gobyerno ba?)

No comments:

Post a Comment