PAPA NG KATOLIKO UMAMING HINDI NANINIWALA SA DIYOS NILA


Ayon sa pahayag ng papa ng mga katoliko, hindi daw siya naniniwala sa diyos nila. Ganito ang kanyang mga pahayag:

“I believe in God, not in a Catholic God. There is no Catholic God, there is God and I believe in Jesus Christ, his incarnation. Jesus is my teacher and my pastor, but God, the Father, Abba, is the light and the Creator. This is my Being. Do you think we are very far apart?”, the pope said in the interview with the Italian newspaper La Repubblica.


Dito mapapansin nating mukhang hindi siya naniniwala sa trinity na itinuturo ng mga katoliko sapagkat ipinakilala nya ang kaibahan ni Hesus at ng Ama, ang sabi nya si "Hesus ay teacher at pastor" samantalang "ang Diyos ang Ama ang Manlilikha". Isa itong malaking pag-amin na walang trinidad, mula sa mga katoliko. Lalo pang lumiliwanag ang mga katotohanan.

CATHOLIC FAITH DEFENDER UMAMING IGLESIA NI CRISTO ANG NASA BIBLIYA AT ANG KATOLIKO HINDI MABABASA SA BIBLIYA

Sa idinaos na religious debate ng Iglesia ni Cristo at Catholic faith defenders noong 25 October 2013 sa quezon park,dumaguete city ay walang pasubaling inamin ng debatistang katoliko na ang nakasulat sa bibliya ay "Iglesia ni Cristo". Ganito ang naging talakayan(sa tagalog):

TANONG:
Bro. Ramil(INC): Sa Roma 16:16,23 - ang nakasulat ba iglesia apostolika romana o Iglesia ni cristo?


SAGOT:
Bro. Soc(CFD): Ang nakasulat Iglesia ni Cristo

VIDEO:

http://www.youtube.com/watch?v=kcNaRnaIBRs&feature=youtu.be




Sa ikalawang paksa naman ay walang pasubali ding inamin ng isa pang debatistang katoliko na ang "katoliko" hindi mababasa sa bibliya. Ganito ang naging talakayan:

TANONG:
Bro. Ramil(INC): Sa pamphlet ba sinasabi na ang iglesia ni cristo,iyon din ang iglesia katolika apostolika romana?Nariyan ba?

SAGOT:

Bro. Woodrow(CFD): Ang "katoliko" hindi iyan mababasa sa bibliya.

VIDEO:

http://www.youtube.com/watch?v=P_hQdChS1rI&feature=youtu.be




Ang palusot pa nila kaya daw naging katoliko dahil unibersal daw sila,pano ngayon yung sekta protestante o muslim na unibersal din o kaya lalo ngayong ang INC ay laganap na din UNIBERSAL na,ibig sabihin ba katoliko din ang mga yan?
Hayag na hayag ang katotohanan. Tapos na agad ang tema o paksang pinag uusapan kaya wala ng saysay pa kung may maghamon pa ulit na cfd sa ganitong paksa dahil magkokontra kontra lamang sila. 

TUNGKOL SA PAGKAWASAK NG TEMPLO MATEO 24

          Noong October 14, 2013 ginanap ang lingap pamamahayag sa Quiapo. Nagdulot ito ng matinding mga pang-uupat o pangungutya mula sa iba tulad ng nasa larawan:



            Sa kabila ng aming paglingap o pamimigay ng tulong o mga pagkain ay inupatan o kinutya pa kami. Ngunit idinalangin pa din namin sila bilang pagsunod sa tagubilin ng Panginoon na nasusulat sa:

ROMA 12:14-31 IDALANGIN ninyo ang mga umuusig sa inyo; idalangin ninyo sila at huwag sumpain.Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga tumatangis.Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha.Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay nang marangal.Hangga't maaari, makisama kayo nang mapayapa sa lahat ng tao.Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa Diyos. Sapagkat nasusulat, "AKIN ANG PAGHIHIGANTI, AKO ANG GAGANTI, SABI NG PANGINOON."Subalit, "Kung NAGUGUTOM ang iyong KAAWAY, PAKAININ MO; kung NAUUHAW, PAINUMIN mo; sa gayon ay magbubunton ka ng mga baga sa kanyang ulo." Huwag kayong magpadaig sa masama, kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama.


            Kinabukasan mismo October  15, 2013 naganap ang nakalulungkot na trahedya sa lugar na maituturing na may pinakamaraming simbahan. Hindi man puro simbahan ang nagiba ngunit ito ang pinakatampok ng mga balita. Gaya ng makikita sa larawan:


Ezekiel 6:4 "Your altars will be demolished and your incense altars will be smashed; and I will slay your people in front of your idols."


            Tila yata may hawig ang mga pangyayaring ito sa mga talata sa biblia.(in my OWN opinion ONLY). Basahin natin mga kapatid ang MATEO 24, ganito ang nakasulat:


Mateo 24: 1-51

           Tungkol sa Pagkawasak ng Templo

               1 Lumabas si Jesus sa Templo. Paalis na siya nang lumapit ang mga alagad at itinuro sa kanya ang mga GUSALI NG TEMPLO. 2 Sinabi niya sa kanila, "Nakikita ba ninyo ang mga gusaling iyan? Tandaan ninyo! Darating ang araw na wala riyang matitirang bato sa ibabaw ng kapwa bato. Lahat ay IGUGUHO!"

(Mukhang nangyari nga po)

Mga Kahirapan at Pag-uusig na Darating

               3 Noon, si Jesus ay nasa Bundok ng mga Olibo. Habang siya'y nakaupo roon, palihim siyang tinanong ng kanyang mga alagad, "Kailan po ba mangyayari ang mga sinabi ninyo? Ano po ang magiging palatandaan ng inyong muling pagparito at ng katapusan ng mundo?"

               4 Sumagot si Jesus, "Mag-ingat kayo upang hindi kayo mailigaw ninuman! 5 Maraming paparito sa pangalan ko at magpapanggap na sila ang Cristo, at marami silang maililigaw. 6 Makakarinig kayo ng mga labanan at makakabalita ng mga digmaan sa iba't ibang dako. Ngunit huwag kayong mababahala dahil talagang mangyayari ang mga iyon, bagama't HINDI PA IYON ang katapusan ng mundo. 7 Maglalaban-laban ang mga bansa at gayundin ang mga kaharian. Magkakaroon ng taggutom at lilindol sa maraming lugar. 8 Ang lahat ng mga ito'y pasimula pa lamang ng mga paghihirap na tulad sa isang babaing nanganganak.

(Nangyayari na po ang mga ito)

               9 "Sa mga panahong iyon, KAPOPOOTAN kayong lahat dahil sa inyong pagsunod sa akin. Isasakdal kayo upang pahirapan at patayin, 10 at dahil dito'y marami ang tatalikod sa kanilang pananampalataya. Mapopoot sila at magtataksil sa isa't isa. 11 Marami ang magpapanggap na propeta at ililigaw ang mga tao. 12 Ang kasamaa'y lalaganap, kaya't manlalamig ang pag-ibig ng marami. 13 Ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas. 14 Ipapangaral sa buong sanlibutan ang Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Diyos upang ang lahat ng bansa ay makarinig nito. At kung maganap na ito, darating na ang katapusan." 

(
Nangyayari na po ito dahil worldwide po ang pamamahayag kabayan ko kapatid ko at kung mapapansin po natin mga kapatid ay matindi po ang pag uusig ngayon)

Ang Kasuklam-suklam na Kalapastanganan

               15 "Unawain ninyo itong mabuti: kapag nakita ninyong nagaganap na sa Dakong Banal ang kasuklam-suklam na kalapastanganang tinutukoy ni Propeta Daniel, 16 ang mga nasa Judea ay dapat tumakas papunta sa kabundukan, 17 ang nasa bubungan ay huwag nang mag-abala pang kumuha ng kahit ano sa loob ng bahay, 18 at ang nasa bukid ay huwag nang umuwi upang kumuha ng balabal. 19 Sa mga araw na iyon, kawawa ang mga nagdadalang-tao at mga nagpapasuso! 20 Ipanalangin ninyo na ang inyong pagtakas ay huwag mapataon sa taglamig o sa Araw ng Pamamahinga. 21 Sapagkat sa panahong iyon, ang mga tao'y magdaranas ng matinding kapighatiang hindi pa nararanasan mula nang likhain ang sanlibutan hanggang sa ngayon, at hindi na mararanasan pa kahit kailan. 22 Sa katunayan, kung hindi paiikliin ng Diyos ang panahong iyon, walang taong maliligtas. Ngunit alang-alang sa mga hinirang ng Diyos, paiikliin ang panahong iyon.

(Nangyayari na po ito, napakabilis na po ng panahon ngayon)

               23 "Kung may magsasabi sa inyo, 'Narito ang Cristo!' o 'Naroon siya!' huwag kayong maniniwala. 24 Sapagkat may lilitaw na mga huwad na mesiyas at mga huwad na propeta. Magpapakita sila ng mga kamangha-manghang himala at mga kababalaghan upang iligaw ang marami kahit na ang mga hinirang ng Diyos. 25 Tandaan ninyo, ipinagpauna ko nang sabihin ito upang kayo'y makapaghanda
.

(Kaya huwag po tayong maniwala sa mga HIMALA NG REBULTO o HIMALA NG BIRHEN O SANTO)

               26 "Kaya't kung sabihin nila sa inyo, 'Naroon siya sa ilang,' huwag kayong pumunta roon. Kung sabihin naman nilang, 'Naroon siya sa silid,' huwag kayong maniniwala. 27 Sapagkat darating ang Anak ng Tao na parang kidlat na gumuguhit mula sa silangan hanggang sa kanluran.

               28 "Kung saan may bangkay, doon nagkakatipon ang mga buwitre."

(ito po ang mga susunod na mangyayari di natin alam kung kelan)

Ang Pagparito ng Anak ng Tao

               29 "Pagkatapos ng kapighatian sa mga panahong iyon, magdidilim ang araw, hindi magliliwanag ang buwan, malalaglag mula sa langit ang mga bituin, at mayayanig ang mga kapangyarihan sa kalawakan. 30 Pagkatapos, lilitaw sa langit ang tanda ng Anak ng Tao at mananangis ang lahat ng bansa. Makikita nila ang Anak ng Tao na nasa alapaap at dumarating na may dakilang kapangyarihan at kadakilaan. 31 Sa hudyat ng malakas na tunog ng trumpeta, susuguin niya ang kanyang mga anghel sa apat na sulok ng daigdig at titipunin nila ang mga hinirang mula sa lahat ng dako."

Ang Aral Mula sa Puno ng Igos

               32 "Unawain ninyo ang aral mula sa puno ng igos; kapag ang mga sanga nito ay umuusbong at nagkakadahon na, alam ninyong malapit na ang tag-araw. 33 Gayundin naman, kapag nakita ninyo ang lahat ng ito, malalaman ninyong malapit na ang pagdating ng Anak ng Tao, talagang malapit na. 34 Tandaan ninyo, magaganap ang lahat ng ito bago mamatay ang mga taong nabubuhay ngayon. 35 Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang aking mga salita ay mananatili magpakailanman."

Walang Nakakaalam ng Araw o Oras

               36 "Ngunit walang nakakaalam ng araw at oras ng pagsapit niyon, kahit ang mga anghel sa langit o maging ang Anak man. Ang Ama lamang ang nakakaalam nito. 37 Ang pagdating ng Anak ng Tao ay tulad sa pagdating ng baha noong panahon ni Noe. 38 Nang mga araw na iyon, bago bumaha, ang mga tao'y nagsisikain, nag-iinuman, at nagsisipag-asawa hanggang sa pumasok si Noe sa barko. 39 Hindi nila namamalayan ang nangyayari hanggang sa dumating ang baha at tinangay silang lahat. Gayundin ang mangyayari sa pagdating ng Anak ng Tao. 40 Sa panahong iyon, may dalawang lalaking nagtatrabaho sa bukid, kukunin ang isa at iiwan ang ikalawa. 41 May dalawang babaing nagtatrabaho sa gilingan, kukunin ang isa at iiwan ang ikalawa. 42 Kaya't maging handa kayo dahil hindi ninyo alam kung kailan darating ang inyong Panginoon. 43 Tandaan ninyo ito: kung alam ng may-ari ng bahay kung anong oras sa gabi darating ang magnanakaw, siya'y maghahanda at hindi niya pababayaang pasukin ang kanyang bahay. 44 Kaya't lagi kayong maging handa, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo nalalaman."

(Kaya dapat palaging maging handa tayo mga kapatid)

Dapat Palaging Maging Handa

               45 "Sino ang tapat at matalinong alipin? Hindi ba't ang pinamamahala ng kanyang panginoon upang magpakain sa iba pang mga alipin sa takdang oras? 46 Mapalad ang aliping iyon kapag dinatnan siyang tapat na naglilingkod sa pagbabalik ng kanyang panginoon! 47 Sinasabi ko sa inyo, gagawin siyang tagapamahala ng kanyang panginoon sa lahat ng mga ari-arian nito. 48 Ngunit kung masama ang aliping iyon, sasabihin niya sa kanyang sarili, 'Matatagalan pa ang pagbabalik ng aking panginoon.' 49 Kaya't sisimulan niyang bugbugin ang ibang mga alipin, at makikipagkainan at makikipag-inuman sa mga lasenggo. 50 Babalik ang panginoon ng aliping iyon sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya alam. 51 Buong higpit siyang paparusahan ng kanyang panginoon, at pagkatapos ay isasama sa mga mapagkunwari. Doo'y tatangis siya at magngangalit ang ngipin."

PARING KATOLIKO UMAMING SUKDULAN NA ANG GALIT SA KANILA NG DIYOS

        Bago natin simulan ang lahat ay nais nating ipagpasalamat na hindi nadamay si G. Abraham Arganioza, ang paring bitter na kumukutya sa INC, sa mga gumuhong bahay sambahan sapagkat sa pagkakaalam ko ay taga Cebu siya.

        Sa ating pagpapatuloy, ating tingnan muli ang pagpapasabog ng kanyang "kapulpulan"(term nya). Tingnan natin ang larawan:


     Ating suriin ang sinitas nyang talata, ganito ang nakasaad:
2 HARI 25:8-17
8Nang ikapitong araw ng ikalimang buwan ng ikalabing siyam na taon ng paghahari ni Nebucadnezar, pinasok ni Nebuzaradan na pinuno ng mga tanod ni Nebucadnezar ang Jerusalem. 9 Sinunog niya ang Templo, ang palasyo, at ang malalaking bahay doon. 10 Ang mga pader ng lunsod ay giniba naman ng mga kawal na kasama ni Nebuzaradan. 11 Dinala niyang bihag ang natitira pang mga tao sa Jerusalem, pati ang mga sumuko sa hari ng Babilonia. 12 Ang iniwan lamang niya roon ay ilang mga dukha upang magbungkal ng lupa at magtrabaho sa mga ubasan. 13 Ang mga haliging tanso, patungang tanso at ang palangganang tanso na nasa Templo ay tinanggal nila, pinagpira-piraso at dinala sa Babilonia. 14 Kinuha rin nila ang mga kagamitan sa Templo: ang palayok, pala, lalagyan ng abo, plato, sunugan ng insenso at ang lahat ng kagamitang tanso. 15 Kinuha rin nila ang gintong lalagyan ng baga at lahat ng kasangkapang ginto at pilak. 16 Ang mga haliging tanso, ang hugasang tanso at ang patungan nito ay hindi na nila tinimbang sapagkat napakabigat. 17Ang taas ng isang haligi ay walong metro at may koronang mahigit na isa't kalahating metro ang taas. Nababalot ito ng mga palamuting tanso: hinabi ang iba at ang iba nama'y kahugis ng prutas na granada.

        Ayon sa kanya, pinahintulutan daw ng Diyos na mawasak ang Kanyang templo. Ating itaas ang pagbasa at para malaman natin kung bakit nawasak ang templo:

2 Hari 24:20

 20 Umabot na sa SUKDULAN ang GALIT ni Yahweh sa Jerusalem at Juda kaya ang mga ito'y ipinabihag niya sa mga kaaway.

         
Kaya naman pala nawasak dahil ipinabihag na ng Diyos ang Jerusalem at Juda sa mga kaaway nito dahil sa SUKDULAN ANG GALIT NYA. Mabuti naman naging tama ang pag sitas ni Mr. Pulpol sa talata.

           Atin namang suriin ang pag sitas nya sa:

 HAGAI 2:6-9
  6 "Hindi na magtatagal at yayanigin ko ang langit at ang daigdig, ang lupa at ang dagat. 7 Yayanigin ko ang mga bansa at dadalhin ko dito ang kanilang mga kayamanan. Ang Templong ito ay mapupuno ng kanilang mga kayamanan 8 sapagkat ang lahat ng pilak at ginto sa buong daigdig ay akin. 9 Dahil dito, ang bagong Templo ay magiging higit na maganda kaysa doon sa nauna, at sa bagong Templong ito ay mahahayag ang kasaganaan at katiwasayang ipagkakaloob ko sa aking sambayanan." Ganito ang sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.

               
Ayon dito, meron nang bagong templo bago pa yayanigin ang langit at ang daigdig, pagkatapos noon ay mapupuno ng templo ng mga kayamanan. Ating itaas ang pagbasa sa:

HAGAI 2:3

3 "Sino sa inyo ang nakakaalala sa maringal na kaningningan ng NAUNANG TEMPLO? Maihahambing ba ninyo ang kagandahan NOON sa hitsura ng TEMPLONG ITO NGAYON? Wala ITONG sinabi sa NAUNANG TEMPLO.

       Kaya Mr. pulpol, tulad ka ng dyablong tumutukso sa Panginoong Hesus na sumisitas pa ng talata para makapandaya lang. Sa pagsitas mo pa lang sa HAGAI ay nagkakaroon na ng doubt kung magkakaroon nga TEMPLONG MAS MARINGAL PA SA NAUNA yung mga simbahang gumuho at kung paano ito magagawa(ng gobyerno ba?)

BITTERNESS & INSECURITIES OF THE CATHOLIC FAITH DEFENDERS

Muli na namang nagpasabog ng "kapulpulan"(term ni G. abe) ang mga catholic fatih defenders. Tingnan natin ang kanilang mga komento na may halong pagkainggit at bitterness.

"ANG EVANGELICAL MISSION NG IGLESIA NI MANALO SA METRO MANILA SA ARAW NA ITO [OCTOBER 14, 2013] AY MAGULO, CHAOTIC, MAY COMMOTION AT ESTAMPEDE"

Sa totoo lang, mahirap talaga iorganize kapag milyong tao(karamihan ay hindi INC dahil sila ang priority) ang dumalo kaya unawa at pagpapasensya lang ang kailangan(ilang beses na nga ang paghingi ng pasensya). E yung pista nyo nga may mga namamatay pa e kaya wag kang ipokrito ganyan sa inyo(kung gusto mo,ichismis mo na lang na may namatay din,nakakahiya ka pa).

SOURCE:
http://www.gmanetwork.com/news/video/105656/unangbalita/bilang-ng-mga-nasaktan-sa-pista-ng-nazareno-umabot-na-sa-mahigit-400

http://www.philstar.com/bansa/539189/2-patay-sa-pista-ng-nazareno 

Ngunit ayon sa PNP ay naging "generally peaceful" ang aktibidad at walang namatay tulad ng pista nila.

SOURCE: 
http://newsinfo.inquirer.net/506829/police-inc-event-generally-peaceful

"NAKAKATAWANG ISIPIN NA ANG KANILANG MEDICAL MISSION AY ISANG ARAW LANG. ANONG SILBI NON? ITO ANG TINURAN NG ISA KONG KAIBIGANG DOCTOR NA NA NAGTATRABAHO SA ST. LUKE’S HOSPITAL:"

Wag ka ngang pulpol(term mo) wala ka kasing alam sa nangyayari sa loob mismo ng INC. Oo, isang araw lang yan sa malakihang venue, weekly ginaganap yan sa ibat ibang malalaking venue, pero sa bawat lokal o dako ng gawain ay tuloy tuloy pa din yan. Punta ka ng kapilya at magtanong ka, pero sure akong di ka pupunta panatiko ka e.

"MAGING ANG ABS-CBN REPORTER NA SI DORIS BIGORNIA AY HINDI MAIKAKAILA ANG PAGKADISMAYA. MEDICAL MISSION DAW E DI DAPAT MGA MAYSAKIT ANG PUPUNTA DUON SUBALIT PINAPILA ANG MGA SANDAMAKMAK NA MGA TAO NA PAWANG MGA MALULUSOG..."

Wag mong gawing hobby yang kapulpulan mo, ikahiya mo na yan. Hindi porket malusog ka hindi ka na magpapacheck up. At walang sapilitang pagsama dito. Hindi namin kailangang itanong sa isang tao kung maysakit siya para sumama siya kusang loob siyang sasama.

"WELL, KAHIT NA MAY PAIN SILANG BIGAS AT SARDINAS HINDI PA RIN OVERWHELMING ANG KANILANG BILANG. AALOG ALOG PA RIN ANG MGA KALSADA EXCEPT SA TRAFFIC. HA HA HA… KITANG KITA SA CAMERA AND VIDEOS NA HINDI PA RIN NILA MAPANTAYAN ANG BILANG NG MILYON MILYONG CATOLICO SA BAWAT PROSISYON NG POONG NAZARENO SA QUIAPO NA SINASALIHAN NG MAHIGIT 9 MILLION DEVOTEES:"

Ayun lumabas din ang dahilan ng pagiging bitter at insecurity mo. Wala kaming pakialam kung di mapantayan yang sinasabi mo, lunukin mo na lang yan. Dun sa mga namamatay dyan may pakialam pa kami dahil ang mahalaga samin ay pagtulong at pag ibig sa kapwa.

"THE CATHOLIC CHURCH ALSO HAS ITS MEDICAL MISSIONS…BUT WE DON’T DO IT ANNUALLY, WE DO IT IN A DAILY BASIS.  FOR SOME CATHOLIC NUNS AND PRIESTS, TAKING CARE OF THE SICK IS NOT MERELY A MISSION……IT’S A VOCATION. THE ROMAN CATHOLIC CHURCH, HELPING THE SICK SECRETLY SINCE (AND EVEN BEFORE) 1914."
Mabuti naman KUNG meron ALSO. We do it in a weekly(big venue)  and daily(lokal o dako ng gawain)take note: basta hindi araw ng pagtitipon o worship service pero sometimes meron pa din.



Atin namang sagutin ang iba pang mga insecurity at bitterness ng iba pang mga catholic faith defenders.


"Gusto nyo lang makakuha ng world record"

Huli ka na sa balita, matagal na kaming may world record at hindi ganun kaimportante samin yan kaya kung gusto mo sayo na lang yan. Ang babaw ng sinasabi mo.



"Iniyayabang nyo lang ang pagtulong nyo. Sa inyo natupad yung sinsabi ng bibliya sa Matthew 6:2"



Nakakatawang komento, pag wala kasi kayong nakikitang ganyan sasabihin nyo kinukurakot lang ang perang inaabuloy namin, alam namin yang kakitiran ng mga utak nyo. Hindi namin iniyayabang yan. Sa totoo lang ayaw namin ng publicity kung hindi dahil lang sa mga media na nagpapalaki ng balita. Napansin nyo ba?kung iyayabang namin yan e full coverage yan sa NET25 at INCTV pero hindi.

"
It's more of a "gulo" than help. They can do it their own churches or public plaza or big open spaces on a Saturday or Sunday .... why why why...???? what's motive??????

Yes, ganyan nga ginagawa namin. Meron sa church sa plaza at iba pang big open spaces , sobrang dami lang talaga ng nagpupunta kaya given na ang trapik at umabot sa mga kalsada ang mga tao. At kaya hindi sabado o linggo yan kasi may pagsamba hindi lang kaming mga INC kundi maging ang ibang relihiyon, ano ang gusto mong ituro namin?ang huwag na kayong magsimba o sumamba?o talagang hindi na kasi kayo nagsisimba kaya ganyan komento nyo?


"Hindi ko lang lubos maisip sa ibang opisyales ng ating gobyerno kung bakit kelangan pa magsuspende ng klase sa maraming lugar sa metro manila eh pwede namng magkaroon ng mga ganyan activities na hindi nasasakripisyo ang edukasyon ng maraming estudyante..."

Buti naman naisip mo yan, sa totoo lang wala kaming nirerequest na suspendihin ang klase, ang nagsuspende e mga MMDA including catholic schools kaya sila sisihin nyo(baka sila may isip na baka matrapik mga estudyante nila,ikaw wala) di katulad ng ibang relihiyon na panay padeklara ng holiday kaya yan ang patunay na walang political motive dito. Kung magiging fair tayo, dapat may pasok ang holy week nyo, xmas nyo, nov 1 nyo, ramadan atbp holiday pero samin ay ok lang naman bilang pagrespeto. Ngapala, wala kaming politikong pinatulong mamigay dito, wala kaming politikong pinayagang sumawsaw sa gitna ng aktibidad dito.


Sa bandang huli, ang pinakatampok ng aktibidad na ito ay ang pamimigay ng pagkain mula sa mga salita ng Diyos. Ito ang pinakamahalagang lingap na ibinibigay namin sapagkat ito ay utos ng Diyos gaya ng nasusulat sa:



Awit 40:9-10
Ako'y nagpahayag ng mabuting balita ng katuwiran sa dakilang kapisanan; narito, hindi ko pipigilin ang aking mga labi, Oh Panginoon, iyong nalalaman.
 Hindi ko ikinubli ang iyong katuwiran sa loob ng aking puso; aking ibinalita ang iyong pagtatapat, at ang iyong pagliligtas: hindi ko inilihim ang iyong kagandahang-loob at ang iyong katotohanan sa dakilang kapisanan.


CATHOLIC VIEW: SI YAHWEH AT SI HESUS AY IISANG PERSONA?

AYON SA ISANG CATHOLIC FAITH DEFENDER ANG NAGBIGAY KAY MOISES NG TEN COMMANDMENTS AY ANG ATING PANGINOONG HESUS. TINGNAN ANG KANYANG PAHAYAG:


NGUNIT SA IBANG MGA PAHAYAG NG MGA CATHOLICS AY SI YAHWEH ANG NAGBIGAY NG TEN COMMANDMENTS KAY MOISES. OBSERBAHAN ANG KANILANG MGA PAHAYAG:






NANGANGAHULUGAN BA ITO NA SI YAHWEH AT SI HESUS AY IISANG PERSONA? O MAY KANYA KANYANG SAMPUNG UTOS SI YAHWEH AT ANG PANGINOONG HESUS? MGA READERS KAYO NA ANG HUMUSGA. BUKSAN NAWA NG MAKAPANGYARIHANG DIYOS ANG INYONG MGA PANG-UNAWA.