NAKIKIPAGTALBUGAN NGA BA ANG INC?



                 Isa na namang pagka-INGGIT ang pinamalas ng mga CFD sa kanilang blog. Ayon sa kanila, mas marami daw ang dumalo sa kanilang world youth day kaysa sa INC Centennial Celebration. Wala naman kaming pakialam don. (kahit ayon sa nakausap kong katoliko na dumalo don ay hindi naman daw ganon na 5 milyon ang dumalo, maaring milyon pero hindi 5 milyon ayon sa kanya. Kaya sa tingin ko ay media power nila ito, napansin nyo ba ang mga media kapag pagkakatipon ng INC ay understimated at hindi magkakapareho ang balita kung ilan ang dumalon INC?) Ngayon, ayon naman sa mga CFD eh kokonti lang daw ang dumalo sa INC Centennial Celebration kita daw nila sa larawan eh paano ba naman ang pinagbasehan nilang larawan e kuha kung kelan paumpisa pa lamang ang pagkakatipon at kung kelan pa lang nagdadatingan ang mga kapatid na INC. At para magkaroon ng kaalaman ang mga CFD, ang Iglesia ni Cristo Centennial Celebration ay halos isang linggong pagdiriwang sa Philippine Arena, ibig sabihin ang mga dumalong miyembro halimbawa noong july 21 ay pwedeng iba sa dadalo sa july 27 at iba pang mga sumunod na araw, ORGANIZED kumbaga upang maging maayos(iimagine mo kung isang araw lang talaga magsasama sama lahat).

                Napapansin nyo ba ang mga article ng blog ni abe arganiosa? Aral ba nila ang magkumpara at mainggit? Halos puro pagkainggit at pagkukumparang sablay naman ang mga post nya, napapadalang na ang mga pagdepensa nya sa kanilang mga aral(dahil siguro hindi na nga madepensahan). Sabi pa sa blog ng mga CFD, nagkukumpara daw sila dahil sinasabi naming mga INC na kumukonti na sila. Kami nga ba ang nagsasabi na kumukonti na sila at nagsasara na ang mga simbahan nila o nagko "QUOTE" lamang kami sa mga sinasabi ng mga katoliko?Tingnan natin sa ibaba upang malaman natin kung namimintang lamang sila:

'Boring' na sermon at fund raising, dahilan ng pag-unti ng mga nagsisimba - running priest

"Hindi naman nakaligtaang idiin ni Fr. Reyes na dahilan din sa tila paglabnaw ng maayos na paglilingkod ng Simbahan ang vocation crisis, kung saan bukod sa pag-unti ng bilang ng nagpapari, mayroon pang ibang kaakibat na epekto ang krisis na ito."
BUONG DETALYE: http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National/%27Boring%27_na_sermon_at_fund_raising,_dahilan_ng_pag-unti_ng_mga_nagsisimba_-_running_priest.html

3 Catholic churches closed; why is faith failing, right and left?

 Boston’s Protestant congregations aren’t the only ones facing closures of neighborhood churches. Three Massachusetts Catholic churches have been shuttered, and the Vatican has given a thumbs-down on reopening them, since the parishes they were originally assigned to are no longer in existence.

BUONG DETALYE: http://www.examiner.com/article/3-catholic-churches-closed-why-is-faith-failing-right-and-left

At ang mga videos:

https://www.facebook.com/photo.php?v=794797460572325&set=vb.100001262341081&type=3&theater

http://www.youtube.com/watch?v=6ibHp2C6dt0


            Marami pa yan at dadami pa. Dito, napapansin din natin ang mga kontrahan at pagkakawatak watak na ng mga opisyal ng mga katoliko. Maging ang mga katoliko ay sinasaway na ang mga pinagpopost ni abe arganiosa at kapwa nya CFD dahil parang sinaula na ang kanilang page. Ngapala, dahil din sa pinost ni abe na may pamagat na "RESPONSE TO THE INSULT OF EDUARDO MANALO AGAINST THE CATHOLIC CHURCH IN HIS CENTENNIAL ADDRES" ay nagkaroon ako napadoktrinahang katoliko(salamat =) ) sabi ng napadoktrinahan ko na naakay ko na sumama noong july 27:

 "hindi naman si G. Manalo ang nagsabi non,binasa nya lang yung mga sinabi ng kapwa namin katoliko,sinungaling pala talaga yang si arganiosa na yan,pari pa naman". 

            Sana lahat ng katoliko ay maging bukas ang isipan at maging katulad ng katolikong napadoktrinahan ko =)

NAGYAYABANG BA ANG MGA CFD O INSECURE LANG?

(photo from a catholic faith defenders blog)
          
             Ayon sa larawan sa itaas, ipinagmamalaki daw ng Iglesia ni Cristo ang mga tagumpay na natamo. Mali po ang pagkakaintindi ng mga CFD nato. Ang amin pong ipinagmamalaki ay ang paghawak samin ng Diyos kaya po namin ito natatamo. Kaya nga po ang lagi naming sinasabi ay "To God be all the Glory" sa tagalog "Sa Diyos ang kapurihan". Kung pinupuri man kami ng hindi namin kaanib,iyon po ay ibinibigay pa din namin sa Diyos. Hindi din po namin tinatapatan ang mga nagawa ng Iglesia Katolika, ang mga Catholic Faith defenders po ang mahilig magkumpara sa mga nagagawa ng INC.

             At dahil sa larawan sa itaas, tingin nyo po sino ang nagsusumigaw para malaman ang mga ginawa ng Catholic Church?Sino sa tingin nyo ang nagyayabang LAMANG?Sa kabila ng pagiging 2000years KUNO ng Catholic ay 13 world records KUNO lang ang natamo?At yung ibang world-record dyan ay may mga kontrobersya pa.

             Tanong ko lang sa mga CFD, aral nyo ba ang magkumpara? Napapansin ko kasi na hindi na kayo nagtatanggol sa inyong mga aral kundi panay na lang pagkukumpara ang nasa blogs o pages nyo.

WORST COMPARISON OF THE CATHOLIC FAITH DEFENDERS


           May worst comparison na naman ang mga Catholic faith defenders, pinagkumpara na naman nila ang hindi magkapareho tulad ng nasa ibaba:(kumbaga kinumpara ang kotse sa eroplano)


              Kelan pa naging ARENA ang STADIUM? Kitang kita naman namin na ang Texas Cowboy Stadium ay STADIUM. Napasubo lang talaga ang mga CFD sa atakeng yan kaya pinandigan na lang nila kahit alam nilang mali.


Mercedes-Benz Superdome-It is the third STADIUM that has naming rights from Mercedes-Benz (wikipedia)

        Not the biggest kung ikukumpara mo sa STADIUM(superdome pa nga). At sa sobrang desperado ng mga CFD nato ay in-edit pati wikipedia


         Ano nga ba ang pagkakaiba ng ARENA sa STADIUM?

"The basic differences between a stadium and arena are simple. A stadium is considered an outdoor location that can hold a large crowd for a specific event. An arena, by contrast, is an enclosed facility, usually smaller than a stadium, which is used for indoor events."
-SOURCE: http://www.theantiquesgazette.com/editorial/information_to_use/article_fbfb257c-1125-11e3-b0ab-0019bb2963f4.html

          To make it simple, stadium=football at arena=basketball. Tinawag din itong DOMED-ARENA dahil sa dome ang SHAPE ng ROOF. At dahil sa pagka-butata nila, hindi pa din nawala ang pagkabitter o inggit nila kaya ito naman ang kanilang ginawang kalokohan:


            Pagan practice daw ang pagpapagawa ng ARENA. Ang ibig ba nitong sabihin ay nagkaroon din kayo ng PAGANONG ARENA?(sorry,kulang sa research si shaolin juice)Tingnan sa ibaba:
Luna Park is an 8,280-seat arena,[1] located on the corner of Corrientes and Bouchard Avenues, in the barrio of San Nicolás, east Buenos Aires city and near Puerto Madero.
".....has become property of the Catholic Church."

         At ibig bang sabihin ay nagmimisa ang inyong papa at cardinal sa paganong stadium(dahil sabi nyo stadium equals arena)


"Cardinal Francis Spellman (1957), Pope Paul VI (1965), Pope John Paul II (1969 as a cardinal, 1979 as pope), and Pope Benedict XVI (2008) all celebrated Mass at the ballpark, along with numerous clergy and lay Catholics."



           At sa huli, kasama ba ito sa aral nyong katoliko na ang arena ay stadium kaya kailangang nyo itong i-point out?o dala lang ito ng inyong masidhing pagkainggit sa INC?

INC VS RCC DEBATE 11 JULY 2014

           May reaksyon ang mga Catholic Faith Defenders sa "self-congratulatory message" DAW ng INC. Tingnan natin ang larawan sa baba:(mula sa blog ni Mr. Marwil Llasos, natalong kandidato sa pagka-senador)



             Tingnan naman natin ang mga post ng mga CFD "as soon as the debate was finished" Tingnan sa baba:



        Napaka-ipokrito hindi po ba? At napanood nyo ba ang debate? Pansinin ninyo ang madalas na sabihin ni CFD/RDM general alvin gitamondoc na "you fail mr. ventilacion". Panoorin sa baba:


      
           Sa naganap na debateng yan,bukod sa hindi mo na maintidinhan ang mga sinasabi ni alvin gitamondoc ay puro pa siya "objection" "out of topic next question" . Hindi ata talaga siya marunong makipagdebate. Sa debate kasi may mga "premises" na magpapatunay sa "pinatutunayan". Halimbawa:

"Si Ka Felix Manalo ay sugo ng Diyos"

ang mga premises:
sapagkat hindi siya nagtuturo ng aral ng demonyo
sapagkat sa kanya natupad ang hula
sapagkat pinakilala nya ang isang tunay na Diyos(hindi trinity)
at marami pang iba


            Hindi mo maaring sabihing "out of the topic" yan sapagkat yan ang mga katunayan. Ang kailangan mong gawin ay i-oppose mo yan (hindi puro ka "objection"). Kaya ang ibang CFD ay sila na ang nagdedepensa sa topic ni alvin gitamondoc dahil isang malaking kahihiyan ang ginawa nya sa debate at hindi nila ito matanggap. Pansinin nyo yan mga readers.