NAKIKIPAGTALBUGAN NGA BA ANG INC?



                 Isa na namang pagka-INGGIT ang pinamalas ng mga CFD sa kanilang blog. Ayon sa kanila, mas marami daw ang dumalo sa kanilang world youth day kaysa sa INC Centennial Celebration. Wala naman kaming pakialam don. (kahit ayon sa nakausap kong katoliko na dumalo don ay hindi naman daw ganon na 5 milyon ang dumalo, maaring milyon pero hindi 5 milyon ayon sa kanya. Kaya sa tingin ko ay media power nila ito, napansin nyo ba ang mga media kapag pagkakatipon ng INC ay understimated at hindi magkakapareho ang balita kung ilan ang dumalon INC?) Ngayon, ayon naman sa mga CFD eh kokonti lang daw ang dumalo sa INC Centennial Celebration kita daw nila sa larawan eh paano ba naman ang pinagbasehan nilang larawan e kuha kung kelan paumpisa pa lamang ang pagkakatipon at kung kelan pa lang nagdadatingan ang mga kapatid na INC. At para magkaroon ng kaalaman ang mga CFD, ang Iglesia ni Cristo Centennial Celebration ay halos isang linggong pagdiriwang sa Philippine Arena, ibig sabihin ang mga dumalong miyembro halimbawa noong july 21 ay pwedeng iba sa dadalo sa july 27 at iba pang mga sumunod na araw, ORGANIZED kumbaga upang maging maayos(iimagine mo kung isang araw lang talaga magsasama sama lahat).

                Napapansin nyo ba ang mga article ng blog ni abe arganiosa? Aral ba nila ang magkumpara at mainggit? Halos puro pagkainggit at pagkukumparang sablay naman ang mga post nya, napapadalang na ang mga pagdepensa nya sa kanilang mga aral(dahil siguro hindi na nga madepensahan). Sabi pa sa blog ng mga CFD, nagkukumpara daw sila dahil sinasabi naming mga INC na kumukonti na sila. Kami nga ba ang nagsasabi na kumukonti na sila at nagsasara na ang mga simbahan nila o nagko "QUOTE" lamang kami sa mga sinasabi ng mga katoliko?Tingnan natin sa ibaba upang malaman natin kung namimintang lamang sila:

'Boring' na sermon at fund raising, dahilan ng pag-unti ng mga nagsisimba - running priest

"Hindi naman nakaligtaang idiin ni Fr. Reyes na dahilan din sa tila paglabnaw ng maayos na paglilingkod ng Simbahan ang vocation crisis, kung saan bukod sa pag-unti ng bilang ng nagpapari, mayroon pang ibang kaakibat na epekto ang krisis na ito."
BUONG DETALYE: http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National/%27Boring%27_na_sermon_at_fund_raising,_dahilan_ng_pag-unti_ng_mga_nagsisimba_-_running_priest.html

3 Catholic churches closed; why is faith failing, right and left?

 Boston’s Protestant congregations aren’t the only ones facing closures of neighborhood churches. Three Massachusetts Catholic churches have been shuttered, and the Vatican has given a thumbs-down on reopening them, since the parishes they were originally assigned to are no longer in existence.

BUONG DETALYE: http://www.examiner.com/article/3-catholic-churches-closed-why-is-faith-failing-right-and-left

At ang mga videos:

https://www.facebook.com/photo.php?v=794797460572325&set=vb.100001262341081&type=3&theater

http://www.youtube.com/watch?v=6ibHp2C6dt0


            Marami pa yan at dadami pa. Dito, napapansin din natin ang mga kontrahan at pagkakawatak watak na ng mga opisyal ng mga katoliko. Maging ang mga katoliko ay sinasaway na ang mga pinagpopost ni abe arganiosa at kapwa nya CFD dahil parang sinaula na ang kanilang page. Ngapala, dahil din sa pinost ni abe na may pamagat na "RESPONSE TO THE INSULT OF EDUARDO MANALO AGAINST THE CATHOLIC CHURCH IN HIS CENTENNIAL ADDRES" ay nagkaroon ako napadoktrinahang katoliko(salamat =) ) sabi ng napadoktrinahan ko na naakay ko na sumama noong july 27:

 "hindi naman si G. Manalo ang nagsabi non,binasa nya lang yung mga sinabi ng kapwa namin katoliko,sinungaling pala talaga yang si arganiosa na yan,pari pa naman". 

            Sana lahat ng katoliko ay maging bukas ang isipan at maging katulad ng katolikong napadoktrinahan ko =)

No comments:

Post a Comment