ACT OF TERRORISM BY CATHOLIC FAITH DEFENDERS?

      Hinihimok ng catholic faith defenders ang kapwa nila na maghagis ng bomba sa isasagawang Iglesia ni Cristo worldwide walk for Yolanda, isa itong malinaw na "act of terrorism" at hindi ito gawaing kristiyano. Mapanganib na ang pagiging desperado ng mga cfd, kitang kita na natin na kumikilos na ang diyablo dahil nalalapit na ang kanyang katapusan.

    Tingnan natin ang ipinost nyang larawan na nai print screen ni Kapatid na Batang Tupa(INCD) mula sa anti inc page.

(photo courtesy of batang tupa)


      Pagkatapos nito, nag post naman ang anti-inc page na ito ng pag aapologize dahil umano sa ginawang death threat ng kasamahan niyang admin sa page. (ibig sabihin totoo yung "bomb scare post" kasi nag apologize siya)



       Ngunit sa kabila ng pag ako at pag apologize nya, bigla nya namang pinagbintangan ang mga kapatid na INC na nag hack daw ng kanyang account. Pagbibintang?kaso na naman yan. Mukhang naipit siya lalo sa kanyang pagpapalusot. Si Riel Lopez ang admin ng anti inc page.


        Kayo na ang bahalang humusga mga readers, nasa sa inyo ngayon ang desisyon kung kasama kayo sa mga kasinungalingan ng mga cfd na yan. Alam naman natin kung saan mapupunta ang mga sinungaling sa araw ng paghuhukom at sa araw na yon kahit anong TIGAS o TAPANG ng mga sinungaling tiyak na magsisisi ngunit huli na.

PAGMUMURA NI ABE ARGANIOSA AT ELISEO SORIANO

"Namumutawi sa bibig nila'y sumpa, banta at pandaraya,
dila nila'y laging handa sa marumi't masamang pananalita."
Awit 10:7

Pagmumura ni Abe Arganiosa:


Pagmumura ni Eliseo Soriano:





     Same style?Sino kaya sa kanila ang nanggagaya?Bakit kaya may mga tao pang naloloko ang mga palamurang mangangaral na ito?Ano nga ba ang ibig sabihin ng "pagmumura"?

PAGMUMURA 
      n 1: lumapastangan o malaswang expression ay karaniwang ng sorpresa o GALIT; 
           "expletives ay tinanggal" [syn: (PANUNUNGAYAW), (lintik), (mura), 
            panunumpa (), (kamurahan), (mura)]


    Ano ang sabi ng bibliya sa mga ganitong uri ng tao?Basahin natin sa:

1 Corinto 6:9-10
"Hindi baga ninyo nalalaman na ang mga liko ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios? Huwag kayong padaya: kahit ang mga mapakiapid, ni ang mga mananamba sa diosdiosan, ni ang mga mangangalunya, ni ang mga nangbababae, ni ang mga mapakiapid sa kapuwa lalake. Ni ang mga magnanakaw, ni ang mga masasakim, ni ang mga manglalasing, ni ang mga mapagtungayaw, ni ang mga manglulupig, ay hindi mangagmamana ng kaharian ng Dios. "

       Alam din natin na ang pagmumura ay galit na isang tanda ng kawalan ng pag-ibig sa kapwa. Masasabi ba nating may pag-ibig ang ganitong uri ng mga mangangaral?Basahin natin sa mga talatang:

1 Corinto 13:1-6
"Kung magsalita ako ng mga wika ng mga tao o ng mga anghel at wala akong pag-ibig, ako ay parang tansong tumutunog o kumakalansing na pompiyang.Kahit na may kaloob ako ng paghahayag, at ng pagkaalam sa lahat ng mga hiwaga at nasa akin ang lahat ng kaalaman, wala akong halaga kung wala akong pag-ibig. Kahit na may matibay akong pananampalataya upang mapalipat ko ang mga bundok, kung wala akong pag-ibig, wala akong halaga. Kahit ipamigay ko ang lahat kong tinatangkilik upang mapakain ang mga mahihirap, kahit ibigay ko ang aking katawan para sunugin, kung wala akong pag-ibig, wala akong mapapakinabang.Ang pag-ibig ay matiyaga at mabait. Ang pag-ibig ay hindi naiinggit. Ang pag-ibig ay hindi nagmamapuri o nagmamataas. Ito ay hindi nag-uugali ng di-nararapat, hindi ito naghahangad ng sariling kapakinabangan, hindi madaling magalit at hindi nag-iisip ng masama. Hindi ito nagagalak sa kalikuan kundi nagagalak sa katotohanan. "

        Ano ang sinasabi ng bibliya ukol sa mga walang pag-ibig?Atin pang basahin sa talatang:

1 Juan 4:8
"Ang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Dios; sapagka't ang Dios ay pagibig."

     Ano naman ang tamang utos ukol sa pag-ibig ayon sa bibliya sa talatang:
Mateo 5:44
"Ngunit sinasabi ko sa inyo: Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway. Pagpalain ninyo ang mga napopoot sa inyo. Gawan ninyo ng mabuti ang mga nagagalit sa inyo. Ipanalangin ninyo ang mga umaalipusta sa inyo at ang mga umuusig sa inyo. Ito ay upang kayo ay magiging mga anak ng inyong Ama na nasa langit sapagkat pinasisikat niya ang kaniyang araw sa mga masama at sa mga mabuti. At binibigyan niya ng ulan ang mga matuwid at ang mga hindi matuwid."

      Tangi diyan ano pa ang mga sinasabi ng bibliya ukol sa pagmumura o masasamang pagsasalita?Suriin natin ang mga talatang:

EFESO 4:29,31
Huwag kayong gumamit ng masasamang salita; lagi ninyong sikapin na ang pangungusap ninyo’y makakabuti at angkop sa pagkakataon upang pakinabangan ng mga makakarinig.

Efeso 5:4
O ang karumihan man, o mga mangmang na pananalita, o ang mga pagbibiro, na di nangararapat: kundi kayo'y magpasalamat.Ang lahat ng kapaitan, at kagalitan, at pagkakaalit, at kadaldalan, at panglilibak, ay mangaalis nawa sa inyo, pati ng lahat ng masasamang akala

Mateo 15:11
Ang lumalabas sa bibig ng tao, hindi ang pumapasok, ang siyang nagpaparumi sa kanya sa paningin ng Diyos.”


LUCAS 6:45
Ang mabuting tao ay naglalabas ng mabuti mula sa kanyang pusong sagana sa kabutihan, samantalang ang masamang tao naman ay naglalabas ng masama mula sa kanyang pusong tigib ng kasamaan. Sapagkat kung ano ang nag-uumapaw sa puso ay siyang sinasabi ng labi.”

Colosas 4:6
Ang inyong pananalita nawa'y laging may biyaya, na magkalasang asin, upang inyong maalaman kung ano ang nararapat ninyong isagot sa bawa't isa.

          Kayo na ang bahalang humusga kung sino ang inyong papanigan. Sa araw ng paghuhukom, hindi na ninyo mababago ang inyong desisyon ngayon, ika nga "walang pagsisising nasa huli". Kasihan sana kayo ng Espiritu Santo upang makaunawa.

MGA KASINUNGALINGANG CHISMIS NG IBAT IBANG RELIHIYON TUNGKOL SA IGLESIA NI CRISTO

1. Ang founder daw ng Iglesia ni Cristo ay si Ka Felix Manalo.

2. Meron daw "ikapu" o sapilitang pag aabuloy ng 10% ng kinita ang mga miyembro.

3. Lilipad daw na parang Voltes 5 ang mga kapilya ng Iglesia ni Cristo sa araw ng paghuhukom.

4. Kulto daw ang Iglesia ni Cristo.

5. Kapag daw hindi daw nakasamba ang isang miyembro ay pagmumulatahin siya o pagbabayarin..

6. Tinatawag nilang Iglesia ni Manalo daw ang Iglesia ni Cristo.

7. Sapilitan daw ang pagboto para sa sinusuportahang kandidato.

8. Binabayaran daw ng mga pulitiko ang Iglesia ni Cristo para sa suporta.

9. Ang pamilya Manalo daw ang may-ari ng lahat ng pag-aari ng Iglesia ni Cristo.

10. Binibrainwash lang daw ng mga ministro ang mga miyembro ng Iglesia.

11. Pinipilipit daw ng mga ministro ang mga talata ng bibliya.

12. Rapist daw si Ka Felix Y. Manalo.

13. Ang logo daw ng Iglesia ni Cristo ay kinopya sa mga mason.

14. Pinagbabawalan daw ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo na magbasa ng bibliya.

15. Pwersahan daw ang pag anib sa Iglesia ni Cristo.

16. Sinasamba daw ng mga miyembro ang monumento ni Ka Felix Manalo.

17. Hindi daw nagpapa pasok ng hindi miyembro sa INC compound sa panahon ng kalamidaw.

18. Pinapatay daw ng INC ang mga kalaban nito sa pananampalataya.


            Ang lahat ng ito ay mga chismis at nakakatawang kwento lamang at ilang ulit na po naming napatunayang hindi totoo. Kung gusto ninyo pa ng katunayan, umanib kayo sa Iglesia ni Cristo at mmalis kayo sa INC kung totoo ang mga ito. Kayo mismo magpapatunay sa sarili nyo.



2 Corinto 12:20-21
"Natatakot nga ako na baka sa anomang paraan, kung ako'y dumating ay kayo'y masumpungan kong hindi gaya ng ibig ko, at ako ay inyong masumpungang hindi gaya ng ibig ninyo; baka sa anomang paraan ay magkaroon ng pagtatalo, mga paninibugho, mga kagalitan, mga pagkakampikampi, mga pagsirang-puri, mga paghatid-dumapit, mga kapalaluan, mga pagkakagulo;Baka pagka ako'y dumating na muli ay ako'y pababain ng Dios ko sa harapan ninyo, at ako'y malumbay dahil sa marami sa nangagkasalang una, at hindi nangagsisi sa karumihan at sa pakikiapid at sa kalibugan na ginawa nila."


Roma 1: 28-32
"Dahil ayaw nilang kilalanin ang Diyos, hinayaan sila ng Diyos sa masasamang pag-iisip at sa mga gawaing kasuklam-suklam. Naging alipin sila ng lahat ng uri ng kasamaan, kabuktutan, kasakiman, masasamang isip, pagkainggit, pagpatay, pagtatalo, pandaraya at masasamang hangarin. Sila'y naging mahihilig sa tsismis, mapanirang puri, nasusuklam sa Diyos, walang pakundangan, mapagmataas, mayayabang, mapagkatha ng kasamaan, at suwail sa magulang. Sila'y naging mga hangal, mga taksil, mga walang puso, at di-marunong lumingap sa kapwa. Nalalaman nila ang utos ng Diyos na dapat mamatay ang mga gumagawa nito, ngunit patuloy sila sa paggawa nito at natutuwa pang makita na ang iba ay gumagawa rin ng ganoon."



Kawikaan 26: 22-28
"Ang tsismis ay tulad ng masarap na pagkain; masarap pakinggan, masarap namnamin. Ang matamis ngunit pakunwaring salita ay parang pintura ng mumurahing banga. Ang tunay na damdamin ng mapagkunwari ay maitatago sa salitang mainam. Matamis pakinggan ngunit huwag paniwalaan sapagkat iyon ay bunga ng kanyang pagkasuklam. Maaaring ang galit niya'y maitago sa magandang paraan ngunit nalalantad din sa mata ng lahat.Ang nag-uumang ng bitag ay siya ring mahuhuli roon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan niyon. Ang taong sinungaling ay galit sa kapwa. Ang madayang salita ay nagpapahamak sa iba."