"Namumutawi sa bibig nila'y sumpa, banta at pandaraya,
dila nila'y laging handa sa marumi't masamang pananalita."
Awit 10:7
Pagmumura ni Abe Arganiosa:
Pagmumura ni Eliseo Soriano:
Same style?Sino kaya sa kanila ang nanggagaya?Bakit kaya may mga tao pang naloloko ang mga palamurang mangangaral na ito?Ano nga ba ang ibig sabihin ng "pagmumura"?
PAGMUMURA
n 1: lumapastangan o malaswang expression ay karaniwang ng sorpresa o GALIT;
"expletives ay tinanggal" [syn: (PANUNUNGAYAW), (lintik), (mura),
panunumpa (), (kamurahan), (mura)]
Ano ang sabi ng bibliya sa mga ganitong uri ng tao?Basahin natin sa:
1 Corinto 6:9-10
"Hindi baga ninyo nalalaman na ang mga liko ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios? Huwag kayong padaya: kahit ang mga mapakiapid, ni ang mga mananamba sa diosdiosan, ni ang mga mangangalunya, ni ang mga nangbababae, ni ang mga mapakiapid sa kapuwa lalake. Ni ang mga magnanakaw, ni ang mga masasakim, ni ang mga manglalasing, ni ang mga mapagtungayaw, ni ang mga manglulupig, ay hindi mangagmamana ng kaharian ng Dios. "
Alam din natin na ang pagmumura ay galit na isang tanda ng kawalan ng pag-ibig sa kapwa. Masasabi ba nating may pag-ibig ang ganitong uri ng mga mangangaral?Basahin natin sa mga talatang:
1 Corinto 13:1-6
"Kung magsalita ako ng mga wika ng mga tao o ng mga anghel at wala akong pag-ibig, ako ay parang tansong tumutunog o kumakalansing na pompiyang.Kahit na may kaloob ako ng paghahayag, at ng pagkaalam sa lahat ng mga hiwaga at nasa akin ang lahat ng kaalaman, wala akong halaga kung wala akong pag-ibig. Kahit na may matibay akong pananampalataya upang mapalipat ko ang mga bundok, kung wala akong pag-ibig, wala akong halaga. Kahit ipamigay ko ang lahat kong tinatangkilik upang mapakain ang mga mahihirap, kahit ibigay ko ang aking katawan para sunugin, kung wala akong pag-ibig, wala akong mapapakinabang.Ang pag-ibig ay matiyaga at mabait. Ang pag-ibig ay hindi naiinggit. Ang pag-ibig ay hindi nagmamapuri o nagmamataas. Ito ay hindi nag-uugali ng di-nararapat, hindi ito naghahangad ng sariling kapakinabangan, hindi madaling magalit at hindi nag-iisip ng masama. Hindi ito nagagalak sa kalikuan kundi nagagalak sa katotohanan. "
Ano ang sinasabi ng bibliya ukol sa mga walang pag-ibig?Atin pang basahin sa talatang:
1 Juan 4:8
"Ang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Dios; sapagka't ang Dios ay pagibig."
Ano naman ang tamang utos ukol sa pag-ibig ayon sa bibliya sa talatang:
Mateo 5:44
"Ngunit sinasabi ko sa inyo: Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway. Pagpalain ninyo ang mga napopoot sa inyo. Gawan ninyo ng mabuti ang mga nagagalit sa inyo. Ipanalangin ninyo ang mga umaalipusta sa inyo at ang mga umuusig sa inyo. Ito ay upang kayo ay magiging mga anak ng inyong Ama na nasa langit sapagkat pinasisikat niya ang kaniyang araw sa mga masama at sa mga mabuti. At binibigyan niya ng ulan ang mga matuwid at ang mga hindi matuwid."
Tangi diyan ano pa ang mga sinasabi ng bibliya ukol sa pagmumura o masasamang pagsasalita?Suriin natin ang mga talatang:
EFESO 4:29,31
Huwag kayong gumamit ng masasamang salita; lagi ninyong sikapin na ang pangungusap ninyo’y makakabuti at angkop sa pagkakataon upang pakinabangan ng mga makakarinig.
Efeso 5:4
O ang karumihan man, o mga mangmang na pananalita, o ang mga pagbibiro, na di nangararapat: kundi kayo'y magpasalamat.Ang lahat ng kapaitan, at kagalitan, at pagkakaalit, at kadaldalan, at panglilibak, ay mangaalis nawa sa inyo, pati ng lahat ng masasamang akala
Mateo 15:11
Ang lumalabas sa bibig ng tao, hindi ang pumapasok, ang siyang nagpaparumi sa kanya sa paningin ng Diyos.”
LUCAS 6:45
Ang mabuting tao ay naglalabas ng mabuti mula sa kanyang pusong sagana sa kabutihan, samantalang ang masamang tao naman ay naglalabas ng masama mula sa kanyang pusong tigib ng kasamaan. Sapagkat kung ano ang nag-uumapaw sa puso ay siyang sinasabi ng labi.”
Colosas 4:6
Ang inyong pananalita nawa'y laging may biyaya, na magkalasang asin, upang inyong maalaman kung ano ang nararapat ninyong isagot sa bawa't isa.
No comments:
Post a Comment