2. Meron daw "ikapu" o sapilitang pag aabuloy ng 10% ng kinita ang mga miyembro.
3. Lilipad daw na parang Voltes 5 ang mga kapilya ng Iglesia ni Cristo sa araw ng paghuhukom.
4. Kulto daw ang Iglesia ni Cristo.
5. Kapag daw hindi daw nakasamba ang isang miyembro ay pagmumulatahin siya o pagbabayarin..
6. Tinatawag nilang Iglesia ni Manalo daw ang Iglesia ni Cristo.
7. Sapilitan daw ang pagboto para sa sinusuportahang kandidato.
8. Binabayaran daw ng mga pulitiko ang Iglesia ni Cristo para sa suporta.
9. Ang pamilya Manalo daw ang may-ari ng lahat ng pag-aari ng Iglesia ni Cristo.
10. Binibrainwash lang daw ng mga ministro ang mga miyembro ng Iglesia.
11. Pinipilipit daw ng mga ministro ang mga talata ng bibliya.
12. Rapist daw si Ka Felix Y. Manalo.
13. Ang logo daw ng Iglesia ni Cristo ay kinopya sa mga mason.
14. Pinagbabawalan daw ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo na magbasa ng bibliya.
15. Pwersahan daw ang pag anib sa Iglesia ni Cristo.
16. Sinasamba daw ng mga miyembro ang monumento ni Ka Felix Manalo.
17. Hindi daw nagpapa pasok ng hindi miyembro sa INC compound sa panahon ng kalamidaw.
18. Pinapatay daw ng INC ang mga kalaban nito sa pananampalataya.
Ang lahat ng ito ay mga chismis at nakakatawang kwento lamang at ilang ulit na po naming napatunayang hindi totoo. Kung gusto ninyo pa ng katunayan, umanib kayo sa Iglesia ni Cristo at mmalis kayo sa INC kung totoo ang mga ito. Kayo mismo magpapatunay sa sarili nyo.
2 Corinto 12:20-21
"Natatakot nga ako na baka sa anomang paraan, kung ako'y dumating ay kayo'y masumpungan kong hindi gaya ng ibig ko, at ako ay inyong masumpungang hindi gaya ng ibig ninyo; baka sa anomang paraan ay magkaroon ng pagtatalo, mga paninibugho, mga kagalitan, mga pagkakampikampi, mga pagsirang-puri, mga paghatid-dumapit, mga kapalaluan, mga pagkakagulo;Baka pagka ako'y dumating na muli ay ako'y pababain ng Dios ko sa harapan ninyo, at ako'y malumbay dahil sa marami sa nangagkasalang una, at hindi nangagsisi sa karumihan at sa pakikiapid at sa kalibugan na ginawa nila."
Roma 1: 28-32
"Dahil ayaw nilang kilalanin ang Diyos, hinayaan sila ng Diyos sa masasamang pag-iisip at sa mga gawaing kasuklam-suklam. Naging alipin sila ng lahat ng uri ng kasamaan, kabuktutan, kasakiman, masasamang isip, pagkainggit, pagpatay, pagtatalo, pandaraya at masasamang hangarin. Sila'y naging mahihilig sa tsismis, mapanirang puri, nasusuklam sa Diyos, walang pakundangan, mapagmataas, mayayabang, mapagkatha ng kasamaan, at suwail sa magulang. Sila'y naging mga hangal, mga taksil, mga walang puso, at di-marunong lumingap sa kapwa. Nalalaman nila ang utos ng Diyos na dapat mamatay ang mga gumagawa nito, ngunit patuloy sila sa paggawa nito at natutuwa pang makita na ang iba ay gumagawa rin ng ganoon."
Kawikaan 26: 22-28
"Ang tsismis ay tulad ng masarap na pagkain; masarap pakinggan, masarap namnamin. Ang matamis ngunit pakunwaring salita ay parang pintura ng mumurahing banga. Ang tunay na damdamin ng mapagkunwari ay maitatago sa salitang mainam. Matamis pakinggan ngunit huwag paniwalaan sapagkat iyon ay bunga ng kanyang pagkasuklam. Maaaring ang galit niya'y maitago sa magandang paraan ngunit nalalantad din sa mata ng lahat.Ang nag-uumang ng bitag ay siya ring mahuhuli roon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan niyon. Ang taong sinungaling ay galit sa kapwa. Ang madayang salita ay nagpapahamak sa iba."
No comments:
Post a Comment